Alden Richards tired of hearing gender issue: “Kung tingin niyo bading, fine.”

Aminado ang Kapuso actor na si Alden Richards na pagod na siya sa kakatanggol sa sarili sa mga taong patuloy na kumukuwestiyon sa kanyang sexual orientation.

Ito ay ang hindi mamatay-matay na espekulasyong “gay” siya dala ng pagiging single niya nang mahabang panahon.

Ito ang ipinagtapat ni Alden sa vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga nitong Martes, January 2, 2024.

Tanong sa kanya ni Toni: “What are you tired hearing about?”

Mabilis na sagot ni Alden: “Sa gender issue.

“Kung tingin niyong ganon, kung tingin niyo bading, fine.

“Ang iniisip ko nga minsan kapag may ganong mga rumors, ‘Wala na bang iba?’”

Wala pang isinasapublikong naging nobya si Alden, kahit maraming nali-link sa kanyang aktres na nakatrabaho niya.

Alden Richards admits tired hearing about gender identity issue

Dahilan ito para intrigahin at pag-isipan ng kung anu-ano ang kanyang sekswalidad.

Isa sa mga aktres na na-link kay Alden ay ang dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza na ngayo’y asawa na ni Arjo Atayde.

Ani Alden, “Matik sa showbiz, kapag walang girlfriend, ang tingin ganon.

“Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali because of that fact.

“But, ako po, parang pupunta ba ako sa route na yun dahil gusto ko na naman mang-please?”

Imbes na pansinin at masaktan, mas pinipili na lang daw ni Alden manahimik at ipagwalang-bahala ang mga taong patuloy kumukuwestiyon sa kanya.

Ayon sa Kapuso actor, anuman ang sabihin ng iba, alam niya sa sarili kung ano ang katotohanan.

Hindi rin daw siya nag-iisa, dahil ang mga taong malalapit sa kanya ay kilala kung sino siya.

Saad niya, “I have my life right now.

“I am happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment.

“I seize every opportunity, sayang, there’s time for that.

“To the people who know me, like who really know me, my friends and right now, most especially yang si Julia Montes and si Coco [Martin].

“Nagulat ako kasi with that just one project, we instantly clicked.

“To the point na they became part of my life and I became part of their lives.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na you get to meet authentic people.

“Those people, I tend to treasure.”

Nakasama ni Alden si Julia sa pelikulang Five Breakups And A Romance, habang si Coco naman ay karelasyon ngayon ni Julia.

Alden Richards reveals waiting six months for his GMA gala outfit | GMA Entertainment

DEALING WITH BASHERS

Aminado rin si Alden na alam niya kung gaano karami ang mga taong may ayaw sa kanya, lalo na noong hindi sila nagkatuluyan ni Maine.

Sina Alden at Maine ang bumuo ng phenomenal love team na AlDub.

Dumating din daw sa puntong napagod na si Alden na basahin at pagtuunan pa ng pansin ang kanyang bashers.

Sabi niya: “I think, one way or another, well, right now sa social media, ang dali ng cancel culture, ang daling magbato ng hate comments, hurtful words.

“You know, sometimes I’ve been seeing a lot of celebrities that addressed the issue about bashing. But napagod na lang din ako siguro.

“On interview, yes [ina-address ko], but I don’t post about it.

“Hindi ko sila sinasagot, wala akong sinagot na bashing.

“If mayroon man, in my thirteen years [sa showbiz], mabibilang lang sa kamay.”

Napagtanto raw kasi ni Alden na hindi dapat malimitahan ang mga gusto niyang gawin dahil lamang sa mga basher na walang ibang ginawa kundi ang hanapan siya ng butas at baho.

Saad niya: “I have to admit it. I’m a [people] pleaser, sobra, by all means.

“Sa work, how I handle my work, my people. Kaya minsan, kapag may events or public gatherings, minsan yung sincerity ko, naku-question, na parang ang plastic ko raw.”

MOST GRATEFUL FOR

Hindi raw naging madali para kay Alden ang taong 2023.

Tunay raw siyang sinubok ng pagkakataon, mapa-personal man o sa career.

Gayunpaman, marami pa rin daw siyang ipinagpapasalamat lalo na sa mga taong nanatili sa tabi niya mapahanggang ngayon.

Mangiyak-giyak na pahayag ni Alden, “I’m very grateful for the people who have been there for me even at my lowest of lows, even though I’m pushing them away.

“I think gano’n kasi, e, sometimes, when you’re not in a good place, you push people away.

“You wanna be alone na [sasabihin mo], ‘You don’t understand me, you don’t know what I am going through.’

“Nakakalungkot lang na I hurt these people, these people who love me unconditionally.

“I am very sorry about it, the way I treated them.

“But still, they tend to forgive me for that. Doon ako grateful.”

Dagdag pa ni Alden, “Wala na ako sa kalendaryo, nasa Bingo na.

“But I am very much grateful and I am not ashamed of my age.

“Knowing na in my 31 years of existence, looking back, looking at things from afar, I was able to conquer all the challenges and I was be able to, you know, nagawa ko for myself and my family.”

Ipinagdiwang ni Alden ang kanyang 32nd birthday nitong January 2, 2024.