Alden Richards turns the page after losing millions to scam; ventures into Stardust restobar

Napaka-chill ng vibe sa Stardust Bar & Restaurant, ang venue ni Alden Richards para sa kanyang recent thanksgiving party.

Kumportable ang mga sofa. May mga disco balls at mirror walls. Sakto ang lamig ng aircon. Maganda ang CR.

Pero isa sa bentahe ng venue na ito: Topnotch ang sound system.

Alden Richards is part-owner of Stardust restobar

Mismong si Alden ang nagbida dahil part-owner siya ng Stardust.

“…Talagang we invested heavily on sound system.

“Parang half of our investment, yung total capital ng investment namin, half non, puro sound system siya.

“So pag nandito kayo on a regular night, kahit malakas yung music, we see to it na hindi kayo nagsisigawan when you talk.

“So ganoon ang sound system namin.

“Hindi lang ganoon kalakas right now kasi siyempre private event siya.
Pero on a regular night pag maraming tao, sa mga huling punta ko, totoo naman, malakas music pero hindi kayo nagsisigawan.”

Hindi aakalaing papasukin ni Alden ang ganitong venture dahil hindi naman siya mahilig gumimik at “homebody” siya.

Pero as a businessman, Alden looks at the possibilities beyond his interests.

Aniya, “Parang I wanted just to venture into something new also. To experience a business na parang hindi ko siya-league.

“Kasi nga hindi ko siya hilig.

“I’m an advocate nga po na kung meron kayong papasuking negosyo, dapat yung hilig mo.

“So parang ito yung pambali doon. So tinitingnan po.

“So far, I really can’t say yet kasi bago pa lang kami. Pero so far so good.”

Alden Richards reveals waiting six months for his GMA gala outfit | GMA Entertainment

LEARNINGS FROM MENTORS AND EXPERIENCES

May nagtanong kay Alden kung kanino siya kumukuha ng advice at insights pagdating sa mga investments niya, pero tumanggi siyang banggitin ang kanilang mga pangalan.

Paliwanag niya, “I can’t say their names po. They want to remain parang in the shadows lang. But I have a lot.

“Yung advice na ibinibigay po nila sa akin kasi is advice na walang kapalit, so, I really take it into account.

“So I think, that’s the best advice you can get for someone who’s already there.”

Natututo rin si Alden sa kanyang mga naging setbacks as a businessman.

Mula 2016 hanggang 2023 ay milyun-milyong halaga ang nawala sa kanya dahil hindi niya kamado ang pinasok na investment.

Doon daw niya in-invest ang ibang mga kinita mula sa endorsements niya noong kasagsagan ng AlDub, ang tambalan nila ni Maine Mendonza.

Ang nawalang pera raw sa kanya ay “accumulated” na.

Ang kuwento ni Alden: “Yun po kasi, wala pong tangible assets doon or thing na nakikita, more on investment po—money investment, stock market, mga ganoon.

Alden Richards: In The First Years Of AlDub | PEP.ph

“Doon po tayo naano. Since the pandemic naman po, medyo na-hype siya during that time, kasi, too good to be true ang kita. Pero nangyayari.

“High gain, high loss po kasi siya.”

Ang pinakamalaking takeaway ni Alden from the experience:

Number one, it’s too good to be true. Mag-isip na po kayo. Wala pong ganoong klase.

“Hindi po totoong nangyayari ang too good to be true.

“Nagpasok ka ng pera, ang PHP1,000 mo, magiging PHP10,000 in seven days. Wala pong ganoon.

“At the end of the day, hindi po sa dami ng pera sa bank account nagkaka-success kung hindi sa dami ng alam.

“So it’s better to have more knowledge than money. Because yung money, susunod na lang siya.

“Pero, kung wala kang alam, coming from experience po, medyo nauna ang pera bago ang knowledge, medyo naloko po tayo nang naloko.”

At sa kabila ng nangyaring scam, hindi na-discourage si Alden na mag-invest pa rin nang mag-invest.

Bukod sa Stardust, meron siyang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay, multimedia company na Myriad Esports, at nagsimula na rin siyang mag-produce ng concerts at movies.