Alex-Mae relationship, umani ng iba’t ibang reaksiyon

andre muhlach on alex-mae relationship
Andrew Muhlach (left photo, right) on Uncle Alex Muhlach’s May-December relationship with Mae Fortaleza: “Okay ang girlfriend ni Tito Alex. Inaalagaan siya at minahal nang normal. Matagal ko na rin siya kilala, simula pa yata nung naging sila. Sa totoo lang, sobrang welcome sa amin si Maymay at naging family na rin namin talaga siya.”

Pumukaw sa atensiyon ng publiko ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan nina Alex Muhlach at Mae Fortaleza dahil sa 52-taong agwat ng kanilang mga edad.

Si Alex ang ama ng dating child wonder na si Niño Muhlach. Magdiriwang siya ng ika-82 kaarawan sa Hunyo 9, 2024.

Samantala, magti-thirty years old ngayong 2024 si Mae, na nakasanayang tawagin sa palayaw nitong Maymay.

Ang buong akala ni Niño, 55 taon ang agwat ng edad ng kanyang ama at ni Maymay.

Ito ang pinagmulan ng pahayag ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “52 years lang ang agwat ng aming edad.”

Iba’t iba ang reaksiyon ng publiko sa unique love story nina Alex at Maymay mula nang ilathala ito ng PEP noong Hunyo 3.

Balanse ang mga komento ng mga tao: kung may mga negatibo, marami rin ang positibo.

May mga naniniwalang tunay na pagmamahalan ang namamagitan kina Alex at Maymay dahil sampung taon na ang kanilang relasyon.

Humahanga rin sila sa dalawa na pinatunayang walang edad na pinipili ang wagas na pag-iibigan.

Pero may ilan din namang nagdududa kung tunay ba ang pagmamahal nina Alex at Maymay sa isa’t isa, o baka mayroon silang ibang motibo.

Mayroon ding nababahala dahil sa napakalaking agwat ng kanilang mga edad.

ANDREW MUHLACH ON UNCLE ALEX’S LOVE LIFE

Hindi na accessible o profile locked na ang Facebook page ni Maymay mula nang maging viral ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Alex.

May mga tumatawag sa Muhlach family na nagbabakasakaling makumbinsi sina Alex at Maymay na magpainterbyu sa harap ng kamera at ibahagi sa publiko ang kanilang love story.

Ang Lumuhod Ka Sa Lupa actor na si Andrew Muhlach, pamangkin ni Alex at pinsan ni Niño, ang isa sa mga nag-iwan ng reaksiyon sa official Facebook page ng PEP tungkol sa pinag-uusapang relasyon ng kanyang uncle kay Maymay.

Apat na saluting face emojis, na nangangahulugan ng paghanga niya sa pagmamahalan nina Alex at Maymay, ang reaksiyon ni Andrew.

andrew muhlach post

Nagpaunlak si Andrew na magbigay ng maikling mensahe nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files.

“Okay ang girlfriend ni Tito Alex. Inaalagaan siya at minahal nang normal.

“Matagal ko na rin siya kilala, simula pa yata nung naging sila.

“Sa totoo lang, sobrang welcome sa amin si Maymay at naging family na rin namin talaga siya,” sabi ni Andrew, na pruwebang hindi isyu sa kanila ang malaking agwat ng edad nina Alex at Maymay.

Nag-iwan din ng komento sa Facebook page ng PEP ang isang Aldreich Castro: “Isa ako sa saksing buhay sa relasyon ni Sir Alex at Mae. Masasabi ko na tunay at totoo! Love has no age.”

aldriech castro comment