Amy Perez kay Brix Ferraris na ama ng panganay niya: “Kahit google hindi siya mahanap”

– Naikwento ni Amy Perez ang pinagdaanan nila ni Adi, ang panganay niyang anak buhat nang maghiwalay sila noon ni Brix Ferraris

– Si Brix Ferraris ay unang asawa ni Amy at isa sa naging bokalista ng bandang South Border

– Sinubukan pa rin umanong hanapin ni Amy si Brix para lang makilala sana ito ng kanilang supling

– Subalit aminado silang mag-ina na tila hindi na nila matutunton pa at nabalitaang ayaw na rin daw sila nitong pag-usapan pa

Buong tapang na naibahagi ni Amy Perez ang tungkol sa napagdaanan nila noon ng kanyang panganay na anak na si Adi.

Amy Perez kay Brix Ferraris na ama ng panganay niya: "Kahit google hindi siya mahanap"

Si Adi ang anak ni Amy sa una niyang asawa na si Brix Ferraris. Matatandaang si Brix ay naging bokalista ng bandang South Border.

Kwento ni Amy, tinatayang nasa edad apat lang si Adi nang maghiwalay sila ni Brix at mula noon ay hindi na nito nakita ang ama.

Ayon sa It’s Showtime host, ‘di man niya sinasabi sa anak subalit gumawa rin siya ng paraan upang mahanap ang dating asawa para lamang makilala ni Adi.

Gayunpaman, maging si Adi na rin mismo ay tila sumuko na rin sa paghahanap sa ama ayon kay Amy.

“‘Di man niya directly sinsabi sa akin ‘yun. Pero parang tinuldukan na niya parang natanggap na niya na hindi na natin siya mahanap.Alam ko kung gaano yung kasakit for him.”

“Pareho na kaming umabot sa conclusion na hindi natin siya mahanap, kahit google hindi siya mahanap. May mga nakapagsabi lang na nasa Amerika. Di ko na rin inalam kung may pamilya ba siya doon.”

“Basta meron na lang nakapagsabi sa akin na ayaw na niyang pag-usapan ‘yung tungkol sa anak niya kay Amy Perez. So okay na ‘yun sa’min”

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Amy na mapapanood sa Ogie Diaz Inspires channel

Si Amy Perez ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Kasalukuyan siyang bahagi ng noontime show na It’s Showtime kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at iba pa.

Isa sa mga masasayang kaganapan sa kanyang pagbabalik sa Showtime ay ang pagkapanalo ng grupo nila Kim Chiu sa taunang “Magpasikat.”

Matatandaang minsang nagpahinga si Amy sa It’s Showtime at naibahagi niya ang kadahilanan sa isang vlog. Taong 2021 nang ilang buwan din umano siyang nawala sa nasabing noontime show. Sa ngayon, bahagi pa rin siya ng naturang programa.