Andrea Brillantes unfazed despite intrigues, says Senior High director

Saludo ang Senior High director na si Onat Diaz sa aniya’y ipinakitang professionalism ni Andrea Brillantes sa kabila ng kinasasangkutang kontrobersiya.

Si Andrea ang isa sa itinuturong third party sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bida si Andrea ng Senior High, ang Kapamilya teen drama series na magtatapos ngayong araw, January 19, 2023.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Onat sa finale presscon ng Senior High, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound, noong January 9.

Tinanong namin ang direktor kung nakita ba niyang naapektuhan si Andrea sa set noong kasagsagan ng isyu at dumating ba sa puntong kinausap niya ito at pinayuhan.

“Alam mo, never,” sagot ni Direk Onat.

KathNiel on Working on 2 Good 2 Be True, Streams on Netflix

“Wala kaming ganun kasi hindi ko nakita na kailangan, na kinailangan niya, kasi she’s a very professional actress.

“Kung anuman ang pinagdadaanan niya, wala akong naramdaman kasi she was the same from the first day ng taping namin until our last day—the same bubbly personality as she is.”

Hindi raw namroblema si Onat pagdating sa mga artista niya sa show.

“Actually, hindi lang ito specifically kay Andrea, ha? Kundi lahat ng mga artista na kasama dito, lalo na itong mga batang ito.

“Lahat sila pag dumating sa set, wala kang maramdamang bagahe sa kanila.”

ANDREA’S PERFORMANCE

Bilib si Direk Onat sa portrayal ni Andrea ng dual role nito para sa kambal na sina Luna at Skye.

“Lahat ng mga bata naman sobrang huhusay talaga, particularly si Andrea. Kitang-kita naman ninyo sa pilot pa lang.

“Not a lot of actress can actually come up with dual performances that feels so separate and so real…

“Si Andrea, binigay sa atin yun, kaya kinapitan natin. Sino ba ang pumatay kay Luna? That’s why we care about Luna and Skye primarily because of Andrea’s performance.”

Sa presscon ng Senior High ay nabanggit ni Andrea na si Direk Onat ang paborito nitong direktor, bagay na ikinataba naman ng puso niya.

Sabi ni Direk Onat, “Baka binobola ako ng batang yan. Hahaha! Usually yang mga actors naman would tell me na natutuwa sila sa process na pinagdadaanan nila sa akin.

“Lalo akong nae-encourage. Ako yun, e, passion ko yun, e—yung coming up with the best performance of an actor.

“Nakakapagod lang para sa kanila kasi paulit-ulit, marami akong shots. Pag natapos ang isang eksena, lupaypay sila.

“I usually come up with the best of them at nakaka-encourage naman pag naa-apppreciate nila yun.”

NO BAD EXPERIENCE WITH YOUNG STARS

Kung ang ibang senior stars at ibang direktor ay nakaranas ng di magandang attitude sa ibang young stars sa ngayon, hindi raw ito naranasan ni Direk Onat.

“To be fair, itong mga batang ito, wala naman kasi sobrang passionate, sobrang driven nila. Hindi sila batang mag-isip.

“I guess, di naman sila ganun kabata, di ba? So, medyo may certain level of maturity na sila.

“Di ako nagkaroon ng problema sa kanila, yung pasaway. Wala, e, sa totoo lang, di ako nagpapaka-showbiz dito.

“Pero talagang sobrang driven ng mga artista, as far as their acting and craft is concerned. As far as being actors, they arrive on set on time and prepared, okay sila.”

Malalim na mga isyung pinagdadaanan ng mga kabataan ang tinatalakay sa Senior High, tulad ng peer preesure, drugs, identity crisis, at iba pa.

Labis naman ang pasasalamat ni Direk Onat na tinanggap at mainit na sinuportahan ng publiko ang Senior High.

“Sobrang nakaka-overwhelm ang reaksiyon ng lahat mga tao. Kasi nung sinimulan namin ito sumusugal kami sa isang makabagong kuwento, tapos mga Gen Z.

“Di kami sigurado kung tatanggapin ng mga tao. At yung pagtanggap na nakukuha namin was more than what we expected, so we’re very grateful for it.

“Isa kasi talaga yan talaga sa thrust ng show—to come up with stories about kids.

“Di yung typical, hindi lang kuwento ng mga batang kilig-kiligan, the usual teenybopper.

“But we want to make sure that our stories about kids are stories that really matter to them.

“Mahahalagang issues na pinagdadaanan nila. Kadalasang mga topics na di napag-uusapan tungkol sa kanila.”