Andrew Schimmer reveals new girlfriend a year after partner’s d.e.a.t.h

Andrew Schimmer: “You brought back the strength in my heart.”

Andrew Schimmer new girlfriend

Nakahanap na ng bagong pag-ibig ang aktor na si Andrew Schimmer isang taon matapos pumanaw ang dating partner nitong si Jho Rovero.

Pumanaw si Jho dahil sa iba’t ibang kumplikasyon noong December 20, 2022.

Sa kanyang Facebook ngayong araw, December 22, 2023, may girlfriend reveal na ginawa si Andrew.

Base sa kanyang post, ang bagong karelasyon ang bumuo muli sa kanyang katauhan.

Hinaplos at inalis daw nito ang lahat ng sakit na kanyang naramdaman at dahilan upang muli niyang mahalin ang mundo.

Saad ni Andrew, “I never thought this day would come…

“You restored me… Slowly put me back together.

“You took away all the pain…and gave me something,

“That made me love the world again.”

Ayon pa kay Andrew, nasa gitna siya ng unos bago dumating sa buhay niya ang babaeng kasama niya sa litrato.

At mula noon, nanumbalik muli ang kanyang sigla at muling nagliwanag ang kanyang mundo.

Aniya, “I was in total chaos and darkness before you found me…

“You brought back the strength in my heart,

“And lightened up my darkness from within…”

Alam din daw ni Andrew na baka sa tingin ng iba ay masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari.

Pero, ipinangako niyang siya na ang gustuhin niyang makasama habang buhay.

Pagtatapos niya, “I know for some people this is too rush,

“But if you will allow me…

“I want to spend the rest of my life with you…

“Loving you and taking care of you and our children is now my next mission in life.

“You gave me something really really great… ‘HOPE.'”

Không có mô tả.

Hindi sinabi ni Andrew ang tunay na pangalan ng babae, pero may ilang post siya na repost mula sa account ng isang “Dimps M Greenvilla.”

Sa nasabi ring account, may makikitang nakalagay sa about the owner of the account na “In a relationship with John Andrew Schimmer.”