Andrew Schimmer’s new girlfriend reacts to emotional goodbye message of ex-partner: “Paawa effect yan, e.”

(Left photo) Gerald with Dimps during their happy days; (right photo) Dimps with current boyfriend, actor Andrew Schimmer. PHOTO/S: COURTESY: FACEBOOK

Nag-react ang bagong girlfriend ni Andrew Schimmer na si Dimps Greenvilla (hindi niya tunay na pangalan) sa mahabang goodbye message ng ex-partner nitong nagngangalang Gerald na lumabas online.

Kasunod ito ng paglabas ng panayam kina Andrew at Dimps sa vlog ng broadcaster na si Julius Babao noong January 18, 2024.

Luma na ang nasabing mensahe dahil November 13, 2023 pa ang petsa nito. Pero, ipinadala ito ng isang kakilala ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nito lamang Martes ng gabi, January 23, 2024.

Personal na kilala ng awtor na ito si Gerald nang maging bahagi kami ng radio program ni Cristy Fermin na CristyFerMinute sa Radyo Singko, labinlimang taon na ang nakararaan.

Emosyunal ang nasabing open letter ni Gerald na ipinost nito sa Facebook.

Nilalaman nito ang kanyang saloobin pagkatapos nilang maghiwalay ni Dimps.

Ayon kay Gerald, mahaba-haba ang pinagsamahan nila ni Dimps na umabot ng labing-apat na taon.

Mayroon din silang tatlong anak.

Panimula niya sa post, “Naiintindihan kita.

“Yes galit ka kaya nasasabi mong wala akong naitulong at nagawang mabuti sayo pero alam mo sa sarili mo mula umpisa sinuportahan kita, ako ang nasa tabi mo mula noong umpisa – wala pang bahay, malaking pundar at wala pang resort.

“Pasensya kana kung sobra akong nasasaktan, biglaan kasing naglaho ang parangap ko para satin at sa mga anak natin.

“Dumaan na tayo sa madaming bagyo pero hindi ko alam na ngayon pa tayo matatapos, sa panahong akala natin ay okay na lahat – pwede na tayong ikasal (hinintay natin yan for 14 years), tapos na ang stress sa mga bayarin, may business na kumikita.

“Plan nga natin mag vanlife para magkakasama tayo at makabawi ng oras sa mga bata kasi ambilis nilang lumaki na di natin namamalayan.”

Ayon pa kay Gerald, nagbago ang lahat ng kanilang mga plano dahil sa pagdating ni Andrew sa buhay ni Dimps.

“Isang iglap” kung ituring ni Gerald ang nangyaring kaguluhan sa relasyon nila.

Sa kanyang post, sinabi ni Gerald na ayaw niyang magkaroon ng masamang alaala ang masaya nilang pinagsamahan kahit naghiwalay na sila.

Lahad niya, “Madami, madami tayong mga plano at balak. Pero sa isang iglap isang stranger lang pala tatapos satin. Kaya pakiusap ko na sana maintindihan mo rin ako kasi first time kong makaranas ng ganito katinding pain sa buhay ko.

“Naging mabuti ka sakin at ayaw kong matabunan iyon ng hindi magandang pagtingin sayo dahil sa nagyayari. Gusto kong maalala ka na mabuting tao, mabuting asawa at ina sa mga anak natin.

“Dahil yon naman ang totoo. We both have our fair share of mistakes and dissapointments pero lagi kong iniisip yung mga masasayang alaala natin dahil sa 14 years, mas marami ang mga sandaling masaya ako, masaya tayo bilang pamilya.”

Sa huli, humingi ng kapatawaran si Gerald sa dating partner kung anuman ang mga pagkukulang niya rito.

Aniya, “Kaya nga mahirap tanggapin na wala kana. Imagine 27 yo tayo noong naging tayo. Sabi nga natin, lumaki na tayo sa isa’t isa.

“Maraming salamat sa lahat! Patawarin morin ako sa mga nagawa kong mali at hindi ko nagawa na dapat nagpasaya sayo.

“Naiintidihan kita kaya pinatawad na kita at patuloy na papatawarin kasi ayaw kong magtanim ng sama ng loob sayo. Sana in time, payagan mo na akong makasama ang mga bata. Hindi ako magpupumilit, binibigay ko sayo ang desisyon na yan.

“Sa mga nagsasabi sakin na wag na magpost, sorry pagbigyan nyo nako last na ito.”

Gerald posts long goodbye message to Andrew Schimmer's new girlfriend Dimps

Ito na raw ang huli niyang post tungkol sa ex-partner.

Saad ni Gerald, “No worries, ito na ang last post ko about you and me. God has a better plan for the both of us, He let this happen so i will trust Him kahit na hindi pa malinaw ang lahat.

“I pray that you found your happiness, yan naman ang prayer ko sayo noon pa na maging masaya kana maski hindi na sakin.

“God bless you mi and you will always be in my heart. At hindi ako mahihiyang ipagsigawan na MINAHAL KITA AT MINAMAHAL KITA HANGGANG NGAYON…but it breaks my heart to say, it’s time for me to let go.

“It’s time for me to move on..Pinapalaya na kita mahal kong ________________!!! Thank you for everything!

“Ps: Always remember that no one can love you more than Jesus could ever love you at dalangin ko na makilala mo Sya kasi Sya lang ang makakapagbigay ng tunay na kaligayahan mo.”

Sadyang hindi ginamit ng PEP.ph ang tunay na pangalan ni Dimps para sa kapakanan niya at ng mga anak nila.

Gerald posts long goodbye message to Andrew Schimmer's new girlfriend Dimps

DIMPS AIRS SIDE

Pagkatapos nito ay kinuha ng PEP.ph ang panig ni Dimps kaugnay ng Facebook post ni Gerald.

Nakausap namin siya sa pamamagitan ng phone call ngayong Miyerkules, January 24.

Alam daw ni Dimps ang tungkol dito.

Kasunod nito ay naglabas din siya ng saloobin tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

Lahad ni Dimps, “Nakarating sa akin. Tapos ang nangyari kasi parang nagpapaawa na naman, nagpapaawa sa tao, which is gawain na niya talaga yun.

“Ngayon, nagpunta siya sa school, na-trauma yung mga bata sa kanya kasi ayaw na siyang makita. Hindi sa tinatago ko.

“Ang palabas niya po kasi tinatago namin. Yung bata mismo, ayun, naka-post sa Facebook ko ngayon, natatakot sa kanya. Kasi ayaw na nga po ng bata na maalala siya, ganun.

“Tapos ang nangyari dun, eto na, may mga nai-share siya na, ayun, na pati properties gustong hatiin. E, bago pa po kami magkakilala, meron na po ako napundar kasi nag-abroad po ako.

“So, ano po yung hahatiin niya na kahit piso wala siyang ambag? Mula sa 14 years na yun, wala siyang pinambuhay sa amin, as in lahat ng bills ako.

“Kumbaga, naging lalaki ako sa relasyon. Kaya, kumbaga, nung dumating itong si Andrew, talagang ano po naman, talagang tinuldukan ko na rin.

“Kasi ang sabi niya [Gerald], wala pa raw kami tuldok. Pero sa Facebook ko po, makikita naman diyan lahat, yung mga nag-iisa ako lagi.

“Lahat ng paghihirap ko na diyan kumbaga outlet ko yung Facebook, sabi ko nga.

“Lahat ng mga, kumbaga, ano sa buhay ko sa kanya, naka-post sa Facebook ko yun. Noon pa, hindi ko pa kilala si Andrew.

“Kaya, kumbaga, yung inaanu-ano niya ngayon. E, lagi ako iniiwan. Iniiwan, babalikan, iniiwan, babalikan.”

May maselan ding sinabi si Dimps, pero ang malinaw ay nangaliwa raw si Gerald sa kanya nung sila pa.

“Nambabae pa… Yung tatlong babae lang napatunayan ko….

“Kumbaga, ayoko nga sana i-social media pa yung mga ganyan niya kaya tahimik na lang, kaya lang nanggugulo siya.

“Sabihin ko na rin yung mga nalalaman ko ngayon. Actually, naka-post na yun noon pa, nung pang October pa yata pinost ko na yan.

“Kaya lang ngayon binubuhay niya yung issue.”

Totoo bang sobrang mabilis silang nagkamabutihan ni Andrew?

Paglilinaw ni Dimps, “Yun naman po sa amin ni Andrew, kasi nang dumating si Andrew, nasa stage ako ng buhay ko na yun na nga na, parang, ‘This is it na, enough na.’

“Kasi ang nangyari po noon, may nalaman pa akong babae niya, e. Hindi ko na kaya makisama kung yung last na babae niya nalaman ko lang recently, wala pa nangyari sa amin ni Andrew, kumbaga.

“So, tinuldukan ko na talaga. Sabi ko, ‘Ayaw ko na, eto na yun.’

“Kumbaga, naging turning point na lang yun. Naging turning point na lang na may dumating sa aking Andrew na, yun na nga, na tinanggap ako.

“Kasi lagi yun ang nasa isip ko kaya nagtiis ako ng 14 years, ‘Wala nang tatanggap sa akin, may anak ako.’

“Yung parang ganun, ganung scenario po yung nangyari.

“Kumbaga, sa 14 years na yun naging ano lang niya ako, parang pang-front lang niya ako.”

Ano ang masasabi niya sa naging goodbye message ni Gerald sa kanya?

Tugon ni Dimps, “Ala akong ano sa post niya kasi po paawa effect yan, e.

“Kasi po na-open ko yung messenger niya, may mga balak sila ng mga kaibigan niya, alam mo ba yun?

“May mga balak ang mga yan, may screenshot ako niyan. Kasi hindi niya alam naka-open messenger niya sa akin.

“So, alam ko yung intention niya.

“Sabi ko nga, ‘Darating ang araw, magpu-post itong si Gerald,’ kasi mayroon na silang usapan na pabagsakin ako, ganyan.

“Pabagsakin si Andrew, kasi siyempre yung ego, ayun.

“Kumbaga, may resibo ako na noon pa man may mga balak na kaya yang ano na yan, propaganda na lang niya yan.”

Inusisa namin si Dimps kung ano ang sinasabi niyang balak ng ex-partner niya sa kanya?

Sagot niya, “Parang ganoon, para anuhin ako, sirain ako, kasi nasaktan, sabihin natin, ayun na nga, nasaktan siya.

“Tsaka pera. Siyempre yung ari-arian na meron ako, na wala ba siya.”