Magaganap ang pag-iisang dibdib nina Angeline Quinto at Nonrev Daquina sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene, o higit na kilala sa tawag na Quiapo Church, anumang oras ngayong Huwebes ng hapon, Abril 25, 2024.
Idaraos ang kasal ni Angeline at ng ama ng kanyang anak na si Sylvio — na magdiriwang ng ikalawang kaarawan sa Abril 27 — sa gitna ng napakainit na panahon dahil sa babala na inilabas ng pamahalaan ng Maynila na 42 degrees Celsius ang temperatura sa naturang lugar.
Mapapanood sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes ang ilan sa mga kaganapan sa kasal nina Angeline at Nonrev sa Quiapo Chruch.
Parehong paborito nina Angeline at Nonrev ang Quiapo Church dahil may malaking bahagi ito sa kanilang buhay.
Si Angeline ay deboto ng Itim na Nazareno ng Quiapo Church, at ang ikasal siya sa nabanggit na simbahan ang katuparan ng kanyang pangarap.
Mga kilalang personalidad ang principal sponsors o ninang at ninong sa Daquina-Quinto Nuptial.
Kabilang dito sina Martin Nievera, Boy Abunda, Charo Santos-Concio, Regine Velasquez, Dra. Vicki Belo, Zsa Zsa Padilla, ang businesswoman na si Pinky Tobiano, at ang TV executives na sina Lauren Dyogi at Cory Vidanes.
Man of Honor si Vice Ganda.
Si Sarah Geronimo ang Flower Girl at si Erik Santos ang Ring Bearer.
BTOB Manila Presscon
Maraming tao ang nagtitipun-tipon ngayon sa paligid ng Quiapo Church dahil wala silang ideya kung sino ang ikakasal, pero napukaw ang kanilang atensyon nang makita nila ang mga taong naglalagay ng mga kamera sa paligid.
Idaraos sa Manila Hotel ang wedding reception pagkatapos ng pag-iisang dibdib nina Angeline at Nonrev sa makasaysayang simbahan ng Quiapo.