Angelu de Leon posts cryptic messages after Claudine Barretto’s rant about her

May pinatutungkulan ba ang aktres at Pasig City councilor na si Angelu de Leon sa kanyang Instagram noong January 30, 2024?

Sa kanyang Instagram Story, nagbahagi si Angelu ng mga hugot ukol sa pagpapatawad.

Nakasaad sa una niyang post: “FORGIVENESS IS GRACE GRANTED BY THE HOLY SPIRIT. THE SPIRIT-FILLED KNOW WHAT IT IS TO FORGIVE FASTER THAN OTHERS CAN APOLOGIZE.”

Angelu de Leon cryptic message

Kasunod nito ay nagbahagi siya ng isang talaga mula sa Galatians 6:9: “Let us not become weary in doing good, for at the proper time will reap a harvest we do not give up.”

Caption ni Angelu, “DO THE NEW YOU.”

Angelu de Leon cryptic message
Maraming netizens ang nag-speculate na may patama ang mga post niya sa kapwa aktres na si Claudine Barretto.

Nag-ugat ito sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, kung saan isiniwalat ni Claudine na hindi sila okay ni Angelu.

Sa isang punto ng party, inimbitahan ni Gladys na pumunta onstage ang celebrity friends niya para magbigay ng mensahe sa kanila ni Christopher at pati na rin sa anak nilang si Christophe Sommereux.

Nang tinawag ni Gladys si Claudine, nabanggit ni Gladys ang tungkol sa reunion movie na gusto niyang gawin with Claudine and Judy Ann Santos.

Sabi ni Claudine, “I-manifest na natin yung pelikula natin with Juday.”

Sagot ni Gladys, “Hahaha! Kayo na lang!”

Sabay follow-up ni Gladys, “Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?”

Kalmado, pero diretsahang sagot ni ni Claudine, “No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Ang nabiglang reaksiyon ni Gladys, “Huh? Talaga ba?”

Kinumpirma ni Claudine ang sinabi niyang ayaw niyang kasama si Angelu sa reunion movie na gagawin nila.

“Oo. Bakit sinali mo yun?” sabi ulit ni Claudine.

Halatang nabigla si Gladys sa sinabi ni Claudine kaya medyo nataranta siya sa susunod niyang sasabihin.

“Teka lang! Hahaha!” bulalas ni Gladys.

Magsasalita pa sana si Claudine, pero pinigilan siya ni Gladys na nagbaba ng kamay ni Claudine na may hawak na mikropono.

Angelu de Leon cryptic posts

CLAUDINE’S BEEF WITH ANGELU

Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Claudine, isiniwalat nito kung ano ang pinag-ugatan ng sama ng loob niya kay Angelu.

Lahad ni Claudine sa writer na si Julie Bonifacio, “There are two instances. Nung nagkaproblema kami ni Jolina [Magdangal] at saka nung nagkaproblema kami ng mga kapatid ko.

“Na both times may presscon siya noon. At saka, nagbigay siya ng advice for me.”

Hindi raw nagustuhan ni Claudine ang pagkomento ni Angelu sa isyung kinasangkutan niya “through the press people sa presscon na I don’t belong to.”

Hindi naman daw siya parte ng pinu-promote noon ni Angelu kaya hindi niya nagustuhang naisama siya sa usapan.

Himutok ni Claudine, “Buti kung isang beses, e. Dalawang beses. So, parang ang akin, anong pakialam mo doon, di ba?

“Kasi, parang hindi siya nagbago. Nung bata pa lang kami hanggang ngayon, ganoon pa rin siya.”

Nagkasama sina Claudine at Angelu sa teen-oriented show noon ng ABS-CBN na Ang TV.

Nilinaw rin ni Claudine na ang talagang alam niyang nilulutong proyekto ay iyong pagsasama nila nina Judy Ann at Gladys.

Aniya, “No, matagal na talaga naming gustong gumawa ni Judy Ann ng project together and it’s in the works already.

“Ang alam ko Judy Ann, siyempre ako, Gladys. Gladys, kasi siyempre sa amin naman talaga siya palagi.

“So, yun lang. Yun lang ang gusto kong makasama sa pelikula. Yun lang ang masasabi ko.”