Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hi.wala.yang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

annabelle rama richard-sarah split
Annabelle Rama on son Richard Gutierrez’s rumored breakup with wife Sarah Lahbati: “Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata. Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”

Tuluyan nang binasag ni Annabelle Rama ang pananahimik tungkol sa napapabalitang paghihiwalay ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at ng asawa nitong si Sarah Lahbati.

Ibinuhos niya ang lahat ng saloobin sa pamamagitan ng isang kontrobersiyal na Facebook post ngayong Biyernes ng gabi, Disyembre 8, 2023.

Kung mahinahon si Annabelle sa panayam ng ABS-CBN News, tuluyan nang kumawala ang bugso ng kanyang damdamin na tiyak na pag-uusapan at pagpipistahang social media post niya.

Base sa mga pahayag ni Annabelle, sinabi niyang ayaw niyang maghiwalay sina Richard at Sarah. Pero nagulat na lamang daw siya nang biglang umuwi sa Pilipinas ang mga magulang ni Sarah.

Doon na raw nagsimula ang malaking gulo.

Gigigil na gigil man daw siyang magsalita pero pinigilan siya ng abogado.

Birada niya (published as is): “Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news.

“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time. Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida.

“Mali ang bentang nyo sa akin. Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag-ina.

“Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis.

“Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

“Kung hindi ako pinagbawalan ng lawyer na magsalita, mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento.

“Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”

Ang pahayag na ito ni Annabelle ang kumpirmasyong may malalim na problema sa pagsasama nina Richard at Sarah.