Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino to star in PH adaptation of It’s Okay Not To Be Okay

The Filipino adaptation of the hit K-drama series is slated for a 2024 release.

Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino to star in PH adaptation of 'It's Okay To Not Be Okay'

Makalipas ang siyam na taon, muling magbabalik-teleserye ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis.

Si Anne ang isa sa mga bituin sa gagawing Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na It’s Okay Not To Be Okay.

Makakasama niya rito ang dalawang Kapamilya heartthrob na sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Ang huling teleseryeng pinagbidahan ni Anne ay noon pang 2014 sa Mars Ravelo’s Dyesebel.

Noong December 13, kasabay ng Christmas Special ng ABS-CBN, opisyal na inanunsyo ang pagsasama ng tatlo sa teleseryeng nakatakdang lumabas sa 2024.

Matatandaang 2020 nang ipalabas sa Netflix ang orihinal na Korean series na gagawan ng adaptation ng ABS-CBN.

7 Burning Questions Viewers Have For "It's Okay To Not Be Okay" - Hype MY

Mayroong 16 episodes ang It’s Okay Not To Be Okay pinagbidahan ng South Korean stars na sina Kim Soo Hyun bilang si Moon Gae Tae at Seo Ye Ji bilang Ko Moon Young.

Bago opisyal na ianunsyo ng ABS-CBN ang pagbida nina Anne, Joshua, at Carlo, ay nauna nang umugong ang usap-usapan noong 2022 na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang gaganap bilang Ko Moon Young at Moon Gae Tae sa Philippine adaptation ng hit Korean series na nabanggit.

UPCOMING SHOWS OF ABS-CBN FOR 2024

Samantala, bukod sa It’s Okay Not To Be Okay, limang iba pang shows ang aabangan ng mga manonood sa Kapamilya Network sa pagpasok ng taong 2024:

LINLANG

Linlang fever is on dahil muli itong magbabalik sa 2024 matapos itong maging worldwide hit sa Prime Video.

Magkakaroon ng teleserye version ang Linlang na pinagbidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman.

WHAT’S WRONG WITH SECRETARY KIM?

Dahil sa kinakiligang chemistry nina Kim at Paulo, patuloy na maglalayag ang KimPau shippers dahil silang dalawa ang magbibigay-buhay sa Philippine adaptation ng hit K-drama series na What’s Wrong With Secretary Kim?

What's Wrong with Secretary Kim (TV Series) - IMDb

Noong November 21, kinumpirma mismo ng ABS-CBN Entertainment ang muling pagsasama nina Kim at Paulo nang i-post ng Viu Philippines sa Instagram ang hiwalay na “Get Ready with Me” video clips ng dalawang Kapamilya star para ipakilala ang kanilang mga bagong karakter.

Si Kim ang gaganap bilang si Secretary Kim, habang si Paulo naman bilang Vice Chairman Lee.

Ang What’s Wrong With Secretary Kim? Ay base sa 2018 hit K-drama series na pinagbidahan nina Park Seo Joon (Lee Young Joon) at Park Min Young (Kim Mi So).

PAMILYA SAGRADO

Magbabalik-teleserye rin ang Kapamilya ultimate heartthrob na si Piolo Pascual, matapos ang successful run ng kanyang Viu series na Flower of Evil (2022).

Si Piolo ay nakatakdang bumida sa Pamilya Sagrado kasama sina Kyle Echarri at Grae Fernandez.

BAGMAN

Pangmalakasang aktingan naman ang ipapamalas nina Judy Ann Santos, John Arcilla, at Arjo Atayde at seryeng Bagman.

PINOY BIG BROTHER

Bahagi rin sa naka-line up na show sa 2024 ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB).

THE VOICE TEENS

Muli ring magbabalik ang reality singing competition na The Voice Teens.