Barbie Imperial posts Bible verse about “truth”

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Barbie Imperial at ang nali-link sa kanya ngayong si Richard Gutierrez sa totoong estado ng relasyon nila.

Ilang buwan na ring nali-link ang dalawa ngunit nananatili ang nakabibinging katahimikan mula sa magkabilang kampo.

“THE SPIRIT OF TRUTH”
Sa Instagram nitong nakaraang May 30, 2024, nagbahagi si Barbie ng talata mula sa John 16:13 ng Bibliya.

Nakalagay rin dito ang mga titik na “NIV” or “new internatiol version.”

Mababasa rito ang tungkol sa “truth.”

Buong post ni Barbie, “Verse of the Day

“John 16:13 NIV

“But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all the truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come.”

Caption niya sa post ay tanging praying hands at white heart emojis.

SOFT LAUNCH?
Nakakaintriga ang post ni Barbie dahil ginawa niya ito matapos mapansin ng netizens ang tila soft launch ng Kapamilya star sa relasyon nila ni Richard sa Instagram Story noong May 27, 2024.

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Walang inilagay na caption si Barbie.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.

Base sa larawan, tila magkasingkatawan ang lalaki sa likuran at ang nali-link ngayon kay Barbie na si Richard.

Ito rin ang hinala ng netizens.

Marahil ito na ang simula nang pagpapakilala ni Barbie kay Richard bilang kanyang nobyo.

RICHARD GUTIERREZ-BARBIE IMPERIAL LATEST SIGHTINGS
Spotted namang magkasama sina Richard at Barbie sa South Korea noong May 26, 2024.

Ang dalawa ay namataan sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.

Sa Facebook noong araw na iyon, isang netizen ang nag-post ng mga larawan nina Richard at Barbie.

Sabi lang nito, “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji)”

Sa comments section, nagkuwento ang netizen kung paano siya nagpakuha ng selfie kay Barbie.

Hindi raw siya nakapag-selfie kasama si Richard dahil, ayon umano kay Barbie, bawal silang makunang magkasama.

Sabi ng netizen (published as is, “Gusto ko din Sana magpapic ky Boy .

“Sabi ni girl hindi daw pede mkita silang mgksama..( napaisip tuloy ko Kung ako lng b nkakilala sa knila )”

Mabait naman daw si Barbie sa kanya at nakipagkuwentuhan pa. Lalo pa raw naging interesante ang kanilang pag-uusap nang sabihin niyang Bicolana siya tulad ng akres.

Ipinanganak at lumaki si Barbie sa Daraga, Albay.

Lahad ng netizen, “Pro mabait si girl nkipag kwentuhan p konte sakin Sabi ko bicolana ang mama ko .

“Ksma din pla si mama nya ( anjan po si mama tinuro nya.) Marunong daw ko magbicol savi ko konte lng kz laking manila n ko. .”

Pagtatapos niya sa komento niya, “(life nila yan kya we respect ung choice nila Lalo n s lovelife)

“As Public figures sila if they keep secret nila dpt hindi s public area…(if ayaw nila ky cristy at ogie) ”

RICHARD GUTIERREZ, BARBIE IMPERIAL FIRST SPOTTED IN ALABANG
Unang spotted na magkasama sina Richard at Barbie sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City, noong January 6, 2024.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropub na sobrang kapalagayan nila ang isa’t isa.

“Bantay-sarado ni Chard si Barbie,” sabi ng isang source.

Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.

“NO REACTION”
Nananatili namang tikom ang bibig ni Sarah Lahbati sa pagkakaugnay ng kanyang estranged husband na si Richard sa Kapamilya actress na si Barbie.

Noong April 2, 2024, sa mediacon ng TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng entertainment press tungkol sa bulung-bulungang may espesyal na relasyong namamagitan kina Richard at Barbie.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang video at ilang larawan nina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa.

Maikli at natatawang sagot ni Sarah sa entertainment press, “No reaction. NR.”