Bea Alonzo and Julia Barretto share a moment at Johnny Manahan tribute party

Punung-puno ng bituin at highlights ang surprise tribute party sa star builder na si Johnny Manahan o Mr. M.

Dumalo sa okasyon ang maraming bituin kabilang ang mga luma at bagong artista mula sa ABS-CBN katulad nina John Lloyd CruzHeart EvangelistaKristine HermosaSam MilbyClaudine BarrettoKathryn BernardoDonny PangilinanDimples Romana, at Luis Manzano.

Ilang taong nagsilbi bilang pinuno ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, si Mr. M.

Sa kasalukuyan ay consultant si Mr. M ng Sparkle, ang talent agency sa ilalim ng GMA Network.

Julia Barretto, Bea Alonzo, Johnny Manahan

BEA AND JULIA MOMENT

Isa sa naging highlights ng gabi ay ang pagkikita ng aktres na sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Sa video na umiikot ngayon sa social media ay makikita ang dalawa na nagbeso at tila masayang nag-uusap.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na nagkaroon ng interaksyon sa isang public event.

Senyales ba ito na tuluyan nang naayos ang relasyon ng dalawang bituin?

COMMON DENOMINATOR: GERALD ANDERSON

Kung matatandaan ay nasangkot sa intriga ang dalawa dahil sa kanilang ugnayan sa aktor na si Gerald Anderson.

Dating magkasintahan sina Bea at Gerald na nauwi sa hiwalayan noong 2019.

July 21, 2019, nang mag-post si Bea sa Instagram ng isang cryptic statement.

Sabi niya, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Nung mga panahong yun ay may bulung-bulungan na diumano ay nagkakamabutihan si Gerald at ang leading lady niya sa pelikulang Between Maybes na si Julia Barretto.

Noong July 26, 2019 ay naglabas ng saloobin si Bea sa media at kinumpirma na wala na nga sila ng aktor.

“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” himutok ni Bea.

Julia Barretto Is Minding Her Own Business

JULIA AS THIRD PARTY?

Sa pagtatapos ng relasyon nina Gerald at Bea ay agad nabaling ang atensyon ng publiko kay Julia.

Agad-agad ay itinuro siyang third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Ang pagiging close ni Julia kay Gerald ang siyang itinuturo ring dahilan kung bakit nauwi sa breakup ang relasyon ng aktres sa young star na si Joshua Garcia.

Sambit ni Julia sa isang Instagram post nung August 2019, “These past weeks, my faith, my patience, and my strength were put to the test.

“I have endured many harsh words hurled against me and my family everywhere on social media. It is exhausting and painful. While some might have forgotten, I am also human.”

Dagdag pa niya, “From now on, anything I do in my private and love life is not considered as cheating, and is none of anyone’s business.

“Secondly, I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup.

“I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald.

“Their issues are entirely their own.”

Matapang din na pinangalanan ni Julia si Bea at sinita ang aktres dahil sa diumano ay siya ang pinatatamaan nito sa kanyang social media post.

Bukod kasi sa cryptic posts ni Bea ay napansin ng netizens na nagla-like si Bea sa mga posts o balita online na nagsasabing may affair sina Julia at Gerald.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you,” pahayag ni Julia,

“You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim.”

CONFIRMATION AND MOVING ON

Dalawang taon matapos nito ay kinumpirma ni Gerald sa interview kay Boy Abunda na girlfriend nga niya si Julia.

Buong-pagmamalaking sinabi ni Gerald na “very happy” siya sa piling ni Julia.

Matapos iyon ay naging bukas na sa publiko ang relasyon nina Gerald at Julia.

Samantalang si Bea naman ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa piling ng aktor na si Dominic Roque.

Kumpirmadong naghiwalay sina Bea at Dominic nang maglabas ng statement ang dalawa nung February 11, 2024.

Subalit nitong nakaraan ay lumutang ang ispekulasyon na muling nagkabalikan na ang dalawa matapos na makita si Bea na muling suot ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic.