Bea Alonzo, binura ang photos nila ni Dominic Roque sa IG

Naglaho na sa Instagram account ni Bea Alonzo ang mga litrato ni Dominic Roque. Kasabay rin nitong naglaho ang February 24 Joint Statement ng dalawa tungkol sa kanilang hiwalayan.

Napansin ang mga ito ngayong Sabado, Abril 13, 2024, ng mga masugid na sumusubaybay sa social media account ng aktres.

Ang deleted posts sa Instagram account ni Bea, na may mga kinalaman sa relasyon nila ni Dominic, ang pahiwatig na walang katotohanan ang mga haka-hakang nagkabalikan sila matapos kumpirmahin ang kanilang hiwalayan noong Pebrero 2024.

Bea Alonzo and Dominic Roque

BEA’S AND DOMINIC’S MATCHING POSTS ON INSTAGRAM

Nagkaroon ng mga espekulasyon na muling nagkakamabutihan ang dalawa dahil napansin ng netizens na matatalas ang mata ang halos magkakaparehong social media posts nina Bea at Dominic.

Noong Marso 24, nang naglabas si Bea ng gratitude post nito sa pamamagitan ng mga larawan ng mga pinagkaabalahan niya, naglabas din si Dominic ng kanyang gratitude post.

Kaya tuloy may mga naghinalang baka totoo ang mga hindi kumpirmadong balitang nagkabalikan sila.

Noong Biyernes, Abril 12, 2024, pinag-usapan ang isang Facebook post tungkol kay Dominic na hawak ang kanyang cellphone, kunsaan malinaw na makikita na ang larawan ni Bea at ng aso nitong si Walter ang wallpaper ng kanyang mobile phone.

Naguluhan tuloy uli ang mga tagasubaybay sa dalawa.

WHAT MAY HAVE CAUSED BEA TO DELETE THE PHOTOS

Noong April 11, 2024, kumalat ang isang Facebook video na kuha ng isang netizen na nakipag-picture kay Dominic sa isang event. Sa video na ito, itinaas ni Dominic ang kanyang kamay habang hawak ang kaniyang cellphone at gumawa ng peace sign, at nakita sa video na ang kanyang lock screen ay si Bea at ang kanyang aso na si Walter.

Pinaniniwalaang ang “hindi sinasadya” na pagpapakita ni Dominic sa wallpaper ng cellphone nito ang mitsa para tuluyan nang burahin ni Bea ang lahat ng litrato ng dating karelasyon.

Sa buong panahon ng huling hiwalayan nila, walang pahiwatig si Bea ng balikan.

Kaya marami ang nagtanong kung ano ang gustong ipahiwatig ni Dom ng pagwagayway ng kanyang wallpaper.

Dominic Roque

Ngayon, ang pagbura ni Bea ng kanilang mga litrato ay tinitingnang indikasyong walang katotohanan ang mga balitang nagkabalikan sila.

Na taliwas sa tila nais ipahiwatig ng aktor, na inaakusahang mapaghanap ng publicity at clout chaser.

Tingin nga ng iba ay ginagamit nito ang mga sitwasyon para maging relevant sa entertainment industry.

May mga naniniwala pang siya mismo ang source ng mga balita tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niyang A-lister.