Bea Alonzo flexes new look after breakup with Dominic Roque

Heart Evangelista reacts to Bea Alonzo’s new look.
Bea Alonzo flexes her new hair and look when she uploaded some photos on her Instagram account.
Bea Alonzo shows off her new look, months after breakup with ex-fiancé Dominic Roque. “I haven’t met the new me yet, but I think she’ll be alright.”

Ginulat ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang mga tagahanga nang isapubliko nito ang bago niyang look.

Kahapon, Miyerkules, May 29, 2024, nag-post si Bea sa kanyang Instagram account ng mga kuha niyang litrato na naka-center-parted bob haircut.

Marami sa kanyang co-celebrities ang nagulat at natuwa sa anila’y bagay na look ng Kapuso actress.

Kabilang sa mga namangha at nagkomento ay sina Heart Evangelista, Andrea Brillantes, Sarah Lahbati, Catriona Gray, Anne Curtis, Kyline Alcantara, Carla Abellana, Kim Jones, at Melai Cantiveros.

Celebrities comment on Bea Alonzo's new haircut. PEP.ph
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM @BEA ALONZO INSTAGRAM
Celebrities comment on Bea Alonzo's new haircut. PEP.ph
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM @BEA ALONZO INSTAGRAM
Celebrities comment on Bea Alonzo's new haircut. PEP.ph
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM @BEA ALONZO INSTAGRACelebrities comment on Bea Alonzo's new haircut. PEP.ph
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM @BEA ALONZO INSTAGRAM

Bukod sa mga kapwa niya artista, may ilang netizens at tagahanga rin si Bea na ngayo’y naiintriga sa iksi ng gupit ng aktres.

Ayon sa mga ito, maaaring napagdesisyunan ni Bea na magpagupit para ipakita na siya ay moving on na sa kontrobersiyal na breakup nila ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque.

Ang haka-hakang ito ay nakonekta ng fans sa caption na inilagay ni Bea sa kanyang recent IG post.

Mababasa kasi sa kanyang caption (published as is), “I haven’t met the new me yet, but I think she’ll be alright.”

Bea Alonzo new haircut
PHOTO/S: SCREENGRAB @BEA ALONZO INSTAGRAM
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng ilang netizen (published as is):

“Hindi ang pag hihiwalay lng Nila ni Dom ang sisira s isang bea alonzo.”

“The woman who always knows her worth.”

“How does one survive when one looses a woman like @beaalonzo?”

“Iba pa rin talaga pag mukha ang labanan, walang kupas.”

BEA-DOMINIC BREAKUP

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang isapubliko nina Bea at Dominic na hiwalay na sila.

February 11, nag-post ang dalawa sa social media para kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon halos pitong buwan matapos mag-propose si Dominic kay Bea.

Naganap ang engagement ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.

Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea ang mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.

Sabi sa kanilang joint statement: “After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.

“It was not an easy decision.

“We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”

Sa hiwalay na imbestigasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alamang may iba’t ibang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

May First at Second Sources ang PEP na nagkumpirmang tinuldukan na nina Bea at Dominic ang higit na apat na taon nilang relasyon.

Nakalap ito ng PEP sa pagitan ng February 1 – February 5, 2024.

May Third Source na nakausap ang PEP na alam ang tungkol sa breakup, pero nagsabing hindi sarado ang pagbabalikan ng couple kung maayos ang kanilang problema.

Naniniwala ang Third Source na mabuting direktang marinig kina Bea at Dominic ang anumang kumpirmasyon ng breakup dahil ang mga ito raw ang tanging nakakaalam ng kanilang buhay pag-ibig.

Sa pagsisiyasat ng PEP, lumalabas na panay sensitibo ang mga hinihinalaang isyung nakapalibot sa biglaang pananamlay ng pag-iibigan ng dalawang kilalang showbiz personalities.

Tinatayang nagsimulang magkaproblema ang couple pagbalik galing sa kanilang holiday vacation sa Japan, na nangyari noong December 26, 2023 hanggang first week ng January 2024.

DOMINIC IS NOW “OKAY” AND “HAPPY”

Sa ngayon, moving on na si Dominic sa hiwalayan nila ni Bea.

Ito ay base sa panayam ng aktor sa Saksi noong May 21, nang kinumusta siya matapos ang breakup nila ni Bea.

Matipid niyang sagot, “I’m okay. Yeah, I’m happy, actually. Everything is okay.”

Imbes na malugmok, itinutuon daw ni Dominic ang kanyang atensiyon sa pag-aasikaso sa kanyang negosyo at paggawa ng content sa kanyang social media account.

Aniya, “Yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also.

“I’ve been doing contents for myself, for my social media, and I’ve been going around for the Philippine group na motorcyle.”