Beauty Gonzalez hopes to work with Alden Richards: “I wanna get the beast out of him.”

Beauty Gonzalez hopes to work with Alden Richards

Nais makatrabaho ni Beauty Gonzalez si Alden Richards sa susunod na proyekto ng aktres sa GMA.

Lahad ni Beauty sa mediacon ng Stolen Life ng GMA-7, “Well, I really wanna work with a lot of…ang hirap i-explain, e. Marami.

“Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him.”

Dagdag pa niya, “Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” sabay tili.

Nang tanungin kung “aanuhin” niya si Alden, patuloy na tumili si Beauty, sabay-tayo na tila tatakas na.

Ulit siyang naupo at sinagot ang tanong kung ano ang meron kay Alden at gusto niya itong “anuhin”.

“Because I wanna get the beast out of him,” at muling tumili at humalakhak si Beauty.

Kaya niyang gawin iyon?

“Kaya ko. Kaya ko.”

Ano naman ang papel na nakikita niya para kay Alden?

“I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know.”

Nangyari ang mediacon ng Stolen Life kahapon, November 9, 2023, sa Seda Hotel sa Quezon City.

Natanong si Beauty kung napanood niya ang pelikula nina Alden at Julia Montes, ang Five Breakups and a Romance kung saan naiibang Alden ang mapapanood.

“No I haven’t watched it, I was in Bacolod doing a film, e. And I was on the outskirts of Bacolod, not really in Bacolod City.

“So I haven’t really had the chance to watch it, but congratulations. I heard it was an awesome film.”

Palagay ba ni Beauty, kaya niyang kabugin ang mga mapangahas na eksena na ginawa nina Alden at Julia sa pelikula?

“Oh yeah, kaya ko iyan, yes, yes,” ang mabilis niyang sagot.

Wala pa bang plano na pagsamahin sila ni Alden sa isang pelikula o teleserye?

“I’m presenting myself,” sabay-taas ng kamay ng aktres.

HOTTEST GUY AT GMA-7

May mapangahas na pelikula sina Beauty at Sid Lucero, ang The Outside, kaya may nagbanggit na gusto ba ni Beauty na “i-Sid Lucero” si Alden?

“Yeah, hindi lang Sid, isisisid ko siya,” ang muling tumitili at humalakhak na sagot ni Beauty.

Bakit si Alden angpartikular na nabanggit ni Beauty among the male stars ng GMA-7?

“Well, because he is hottest guy right now and you wanna hit with the hottest one, right,” at muling tumawa si Beauty.

“But, you know, kidding aside I really wanna work with everybody else, the new Sparkle artists, from Star Magic, everybody.

“And it’s always nice to see new talents also and discover new ones.”

Sa Stolen Life ay gaganap dito si Beauty bilang si Farrah, si Carla Abellana bilang si Lucy, at si Gabby Concepcion bilang si Darius.

Sa direksyon ni Jerry Sineneng, nasa cast rin sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.

Mapapanood ang Stolen Life simula sa Nobyembre 13, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.