Hindi totoo.
Ito ang mensaheng nais iparating ng beauty-queen-turned-actress na si Bianca Manalo kaugnay ng akusasyong may lihim na ugnayan umano sila ng aktor na si Rob Gomez.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang screenshots ng private messaging ni Rob kina Bianca at Herlene Budol nitong December 19, 2023.
Batay sa magkahiwalay na private convo ni Rob kina Bianca at Herlene, mahihinuhang nakikipagtagpo ang aktor sa dalawang aktres na may bahid ng intimacy.
Matinding batikos ang natatanggap ni Bianca, na ngayon ay karelasyon si Senator Win Gatchalian.
Sina Rob, Bianca, at Herlene ay magkakasama sa GMA-7 teleseryeng Magandang Dilag na umere mula June-November ngayong taon.
Ngayong umaga ng Biyernes, December 22, binasag ni Bianca ang kanyang katahimikan.
Ipinost ni Bianca ang kanyang official statement via Instagram, habang siya ay nakabakasyon sa Japan kasama ang pamilya.
Pagkalat ng private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo, ibinibintang kay Shaila Rebortera Pagkakadawit ni Bianca Manalo sa isyu ni Rob Gomez, makaapekto kaya sa relasyon nila ni Sen. Win Gatchalian? Shaila Rebortera posibleng kasuhan dahil sa pagpu-post ng mga pribadong mensahe ni Rob Gomez
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Bianca na walang katotohanan ang bintang na may ugnayan sila ni Rob.
Sinabi rin niyang sinadyang i-edit ang pag-uusap nila ni Rob para mag-iba ang konteksto at mabahiran ito ng malisya.
“Let me clear all the false rumors circulating on the internet,” bungad ng aktres.
“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring the Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.
“It is upsetting that our conversation were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing.
“It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones.”
Hangad niyang matapos na ang isyung ito at itigil na raw ang pagpapakalat ng hindi totoo.
Pagtatapos niya, “Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family.
“Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone.”