Boyfriend ni Cianne Dominguez, nagsalita kaugnay sa kinaharap ng kasintahan

Nagbahagi ng mensahe ang boyfriend ni Cianne Dominguez Cianne Dominguez. Kaugnay ito sa pangyayari kung saan muntik nang pagsamantalahan ng isang lalaki si Cianne.

Sa kanyang Instagram story, binahagi niya ang kanilang picture kalakip ng kanyang mensahe at pagsuporta sa mga kagaya ni Cianne na nakaranas ng pang-aabuso.

“No one should ever have to endure or face the threat of s3xual assault. Good thing my Cianne fought back and nothing serious happened A To everybody who experienced s3xual assault before, know that you are not alone and fighting back is always important!.”

Nagbabala din siya sa naturang lalaki na nakuhanan ni Cianne ng video.

“To the guy who s3xually assaulted (Shervey Torno), you’re getting what’s coming to you and I will see you soon. An eye for an eye. I’ll do whatever I can in my power if I have to if it means protecting the ones that I love.”

Base sa pahayag ng kampo ni Cianne, ang pangyayari ay naganap sa loob ng kanilang condominium.

Si Cianne Dominguez ay sumali sa isang patimpalak sa It’s Showtime at naging daily winner. Nang makapasok ito sa weekly finals ay napansin ni Vice Ganda at kinalaunan ay kinuha niya bilang kanyang talent. Sa kasalukuyan ay isa na siya sa mga hosts ng It’s Showtime.

Nakasama ni Ryan Bang ang co-host niya sa It’s Showtime na si Cianne sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It’s Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.