Carla Abellana on estranged husband’s newfound love: “Not any of my concern anymore.”

Carla Abellana on estranged husband newfound love

Carla Abellana (left) says it is no longer her place to comment about the new relationship of her estranged husband, Tom Rodriguez (right).

PHOTO/S: CARLA ABELLANA INSTAGRAM/FAST TALK WITH BOY ABUNDA FACEBOK

“It’s not any of my concern anymore,” ang sabi ni Carla Abellana sa balitang may bago nang idine-date ang estranged husband niyang si Tom Rodriguez.

Nagbigay ng maikling pahayag ang Kapuso actress sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, nitong Biyernes, March 22, 2024.

Ani Carla, wala na siya sa posisyon para magbigay komento sa personal na buhay at desisyon ni Tom.

Saad niya, “I don’t see the need to comment or even react.

“Parang it’s not any of my concern anymore, parang ganon.

“Kumbaga I am aware naman na nakabalik na siya [sa Pilipinas].”

Isa lang daw ang masisiguro ngayon ni Carla, na handa na siyang harapin si Tom anumang oras na sila’y magkasalubong o magkita lalo na’t nasa iisang bakuran lang sila ng GMA-7.

Paliwanag ni Carla, “Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako, nasabi ko naman na yun na kung mag-krus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man yan, prepared naman ako for that.

“Pero you know, I’ll just be myself. I’ll let him be.”

TOM REVEALS RELATIONSHIP STATUS

Naganap ang pag-amin ni Tom tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso sa ekslusibong panayam niya sa GMA Integrated News noong February 29.

Dito, sinabi niyang masaya at naka-move on na siya makalipas ang halos dalawang taon mula nang maghiwalay sila ni Carla.

“Do you believe in second chances?” tanong sa kanya ng 24 Oras reporter na si Nelson Canlas.

Nakangiting sagot ng aktor, “Yeah, I do.”

Sundot na tanong ni Nelson, “You think you’ll be ready to fall in love again?”

Sagot ni Tom, “Yeah. I am now. In fact, I am seeing someone.”

Paglilinaw ni Tom, fully healed na siya nang makilala niya ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi niya, “At that point, I was already there, and once I was ready, it came at the right time.

“At that point, I thought it would never happen again.”

Mahihinuhang ang pinatutungkulang ayaw nang mangyari ni Tom ay ang masalimuot na kinahinatnan ng relasyon nila ni Carla.

Tinanong din si Tom kung kailan niya balak ipapakilala sa publiko ang bagong nagpapasaya sa kanyang puso.

Ayon sa aktor, nais muna niyang limitahan ang pagse-share tungkol sa kanyang personal life, partikular sa pagkakakilanlan ng taong nagpapaligaya ngayon sa kanya.

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021 matapos ang pitong taong pagiging magkasintahan.

Subalit nagulat ang publiko nang mapabalita ang kanilang breakup noong January 2022, o tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila.