Opisyal nang kasal ang Kapamilya stars na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, idinaos ang “secret wedding” nina Carlo at Charlie ngayong Linggo ng hapon, June 9, 2024, sa garden ng isang private resort sa Silang, Cavite.
Kabilang sa principal sponsors sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Veronique del Rosario-Corpuz ng Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, at sina Senator Bong Revilla at maybahay nitong si Congresswoman Lani Mercado.
Maid of honor si Sue Ramirez, habang bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada, at Adrian Lindayag.
Kabilang sa groomsmen sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista.
Si Loisa Andalio ang candle bearer, habang si Elisse Joson sa veil, at si Alexa Ilacad sa cord.
DOUBLE CELEBRATION FOR CHARLIE DIZON
Ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang pinakaunang naglabas ng balitang magpapakasal na sina Carlo at Charlie ngayong araw, sa ulat na lumabas nitong Sabado ng gabi, June 8.
Nang makapanayam si Charlie ng PEP matapos magwagi ito bilang best actress sa 47th Gawad Urian noong June 8, inusisa siya kung totoong magpapakasal na sila ni Carlo.
Nanalo si Charlie ng best actress award para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ni Carlo, sa direksiyon ni Dwein Baltazar.
Sa event, naulinigan ng PEP ang balitang magpapakasal na ang dalawa ngayong Linggo.
Nabanggit din kasi ng aktres sa kanyang acceptance speech ang mga linyang, “Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”
Pero ang masayang sagot ni Charlie sa PEP, “Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!”
Nang tanungin naman kung gaano siya ka-excited para bukas, June 9, na araw ng kasal, patanong din ang sagot niya sa kung ano ang meron bukas.
Sinagot siya ng PEP.ph ng: “Wedding, siyempre.”
Pakli ng aktres: “Wedding niyo po ba?”
Pero halos pag-amin na nito nang banggiting double celebration na ang award para sa kanya, “Sa inyo na po galing yan, thank you so much.”
PRENUP PHOTO POSTED BY CARLO AQUINO
Last June 8 ay nag-post si Carlo sa Instagram ng tila pre-nuptial photo nila ni Charlie na magkahawak-kamay.
Nilagyan niya iyon ng caption (published as is): “Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_.”
Comment naman ni Charlie sa post ni Carlo: “I love you.”
Napansin kasi ang suot na singsing ng actress.
Pinabulaanan iyon ng aktor.
Bagamat sinabi rin niya noon na si Charlie na ang “the one” para sa kanya, wala pa umano silang balak pakasal.