Carlos Siguion-Reyna dishes out what Jaclyn Jose is like in the late ’80s

Para sa batikang direktor at aktor na si Carlos Siguion-Reyna, hindi makakalimutan ng industriya ang naging ambag ni Jaclyn Jose bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa showbiz.

Si Jaclyn ang kaisa-isang Southeast Asian actress na nag-uwi ng Best Actress Award noong 2016 Cannes Film Festival para sa portrayal niya sa Ma’ Rosa. Tinalo niya sa naturang kategorya sina Ruth Negga, Isabelle Huppert, at Kristen Stewart.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlos sa ikalawang gabi ng lamay ni Jaclyn sa Arlington Memorial Chapels nung March 5, 2024.

Sabi ni Carlos sa pagkapanalo ni Jaclyn bilang first Filipino Best Actress sa Cannes, “Hindi siya makakalimutan. Malaki ang nai-contribute niya as first Best Actress in Cannes.

“That is a big leap to the Filipinos.”

Unang beses niya nakatrabaho Jaclyn sa pelikulang Misis Mo, Misis Ko noong 1988; at sa ikalawang episode ng drama anthology na Ipaglaban Mo noong 1989. Si Carlos ang direktor sa mga proyektong iyon.

Noon pa man ay nakita na ni Carlos ang husay ni Jaclyn kahit nagsisimula pa lang ito.

Balik-tanaw ni Carlos: “She’s very professional, very generous. Actually, yun ang naobserbahan ko.

“Nagsusuporta siya sa iba, give and take siya, very magaling makipagkapwa-tao.

“Diretso siya magsalita. Di siya bolera. And because of that masarap siyang nakatrabaho.

“I knew na tatagal siya because of her attitude, and very seryoso siya sa trabaho niya. And of course, she’s a very talented actor.”

Ayon kay Carlos, may proyekto pa silang ginawa ni Jaclyn na ngayong taon pa lang ipalalabas.

“Nagulat ako kasi we worked together sa isang shooting namin, pero di kami magkaeksena.

“It’s an streaming series na lalabas yata in the middle of the year. It’s a series na will have international release.”