Home Trending Cassy Legaspi at Michael Sager, magkarelasyon na?

Cassy Legaspi at Michael Sager, magkarelasyon na?

Cassy Legaspi and former Tahanang Pinakasamaya co-host Michael Sager are reportedly in a relationship already but choose to keep things quiet.

PHOTO/S: @CASSY / @MICHAELSAGER_ ON INSTAGRAM

GORGY RULA

Sabi ni Darren Espanto sa interview sa kanya ni Ganiel Krishnan para sa TV Patrol, best friends lang talaga sila ni Cassy Legaspi. Hindi pa raw nagle-level up na aabot sa romantic relationship.

“Best friends talaga, e. Parang… it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.

“Hindi ko alam kung paano i-explain. But siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” pahayag ng Asia’s Pop Heartthrob.

Pagkatapos nito, nag-post naman si Cassy sa kanyang Instagram ng kantang “Favorite Crime” ni Olivia Rodrigo. In-assume ng karamihan na para ito kay Darren.

Hindi ako familiar sa kantang ito ni Olivia Rodrigo, pero nang napakinggan ko ito. Puwedeng hindi ito kay Darren.

Para kay Michael Sager kaya ito?

Ang “Favorite Crime” ay may lyrics na “Know that I loved you so bad / I let you treat me like that / I was your willing accomplice honey.”

Meron pang “Those things I did just so I could call you mine / The things you did… / Well, I hope I was your favorite crime.”

Hindi pa nagsasara noon ang dating Kapuso noontime show na Tahanang Pinakamasaya ay may usap-usapang nagkakadebelopan ang mga co-host ditong sina Cassy at Michael.

Lumalabas daw sila noon na silang dalawa lang. Madalas pa silang nakakantiyawan ng mga co-host nila.

Pero wala na tayong nababalitaan tungkol sa kanila pagkatapos ng Tahanang Pinakamasaya.

Matagal na ring hindi napapanood si Cassy saAll-Out Sundays, at si Michael lang ang nandun.

Pero naniniwala ang ilang katrabaho nilang sila na nga.

May ilan ding nagpaparating sa PEP Troika na sina Cassy at Michael na, pero tahimik lang at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Tingnan natin kung aaminin din nila bandang huli.

JERRY OLEA

Noong may mga usap-usapang nagkakamabutihan na sina Michael at Cassy saTahanang Pinakamasaya, kasagsagan pa ng promo ni Cassy ng When I Met You In Tokyo kung saan ka-partner niya si Darren.

Si Michael naman ay ka-love team pa siZephanie sa Sparkle U.

Ngayon ay ginagawa ni Michael ang Shining Inheritance kung saan si Kate Valdez naman ang ka-partner niya. Kasama nila rito sina Kyline Alcantara at Paul Salas.

Wala pa tayong balita kung ano naman ang plano ng Sparkle kay Cassy. Pero kasama naman niya ang mommy niya at si Mavy sa Sarap, Di Ba?.

NOEL FERRER

Basta, best friends lang talaga sina Darren at Cassy.

Iyan ang magandang balita. BFF Forever.

Kailangan pa bang i-memorize yun?