Catriona Gray, Sam Milby spotted together amid breakup rumors

Kinilig ang netizens sa videos at photos na nagpakitang magkasama ang engaged couple na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya actor Sam Milby.

Sa isang Instagram post kahapon, April 20, 2024, ibinahagi ng negosyanteng si Pinky Tobiano ang video kung saan sweet na nag-uusap sina Catriona at Sam.

Sabi niya sa caption, “The heat wont stop these sweet couple Cat & Sam and we are all here to celebrate Erickson’s bday….

“Erik and my food trip in Pampanga this week… #Birthday #Vision #Cornerstone”

Ang tinutukoy niyang “Erickson” ay si Erickson Raymundo, ang big boss ng Cornerstone Entertainment, ang management company nina Catriona at Sam.

Sa comments section, mababasang marami ang napakalma dahil ang update na ito ay taliwas sa balitang nag-break na ang engaged couple.

Sa Instagram Story naman, nagbahagi rin si Pinky ng larawan nina Catriona at Sam, both in OOTDs with floral prints, na masayang magkasama.

Wala siyang caption.

Noong March 10, 2024, spotted ding magkasama ang dalawa base sa post ni John Prats.

Kasama rin sa larawan ang maybahay ni John na si Isabel Oli.

Base sa picture, naglaro ang apat ng pickleball, isang uri ng paddle sport na designed para sa dalawa o apat na manlalaro.

SAM AND CATRIONA’S “RELATIONSHIP CHALLENGES”

Sa pamamagitan ng social media noong February 28, 2024, inamin ng Cornerstone na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.

Pero sinusubukan daw ng dalawa na ayusin ito.

Bahagi ng pahayag ng talent management company: “We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”

Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang pinaplantsa nila ang kanilang gusot.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”

CATRIONA NOT WEARING HER ENGAGEMENT RING

Kumalat ang balitang nagwakas na umano ang relasyon nina Catriona at Sam nang mapag-usapan ito sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong Febuary 24, 2024.

Ayon kay Ogie, may nakapagsabi sa kanyang source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa katunayan daw, noong nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6 ay wala na sila ni Sam.

Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos nitong mag-propose noong February 16, 2023.

Hindi ito ang unang beses naintriga ang relasyon nina Catriona at Sam.

Noong February 4, 2024, umugong ang espekulasyong hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng mapanuring netizens na hindi suot ni Catriona ang kanyang engagement ring.

February 8, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.

Sa litratong in-upload ni John sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel kina Catriona at Sam.