Pinanindigan ni Cedric Lee na inosente siya sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.
Ito ay sa kabila ng hatol na guilty sa kanya at mga kapwa akusadong sina Deniece Cornejo, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero sa desisyon na binasa ni Taguig Regional Trial Court Branch 153 Judge Mariam Bien kahapon, May 2, 2024.
Reclusion perpetua o life imprisonment ang ipinataw sa kanilang sentensiya.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro serious illegal detention case
Sa isang maiksing panayam sa negosyante matapos itong sumuko kay National Bureau of Investigation (NBI) director Atty. Medardo Dilemos kagabi, sinabi nitong nagulat pa rin siya sa desisyon ng korte.
Iginiit din niyang walang karumal-dumal na krimeng nangyari noong January 2014.
“Kung wala yung mga elements, hindi talaga pasok yung crime.
“The most, yung nagkasakitan lang, di ba? Pumalag din naman siya [Vhong] so nagkasakitan lang.
“Hindi dapat na magkaroon ng life imprisonment,” giit ni Cedric sa panayam ng News5.
Read: Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men
Naghayag din ng pagkabahala si Cedric sa kaibigan at co-accused na si Deniece Cornejo, na biktima lang diumano ni Vhong.
Nanindigan din siyang “na-rape” si Deniece.
Pahayag ni Cedric, “Lalung-lalo na si Deniece, siya na nga yung na-rape, siya pa yung nakakulong.
“Itong isa, ang dami nang nire-rape, nakalaya pa, nagsasayaw pa sa show niya,” pagtukoy niya kay Vhong.
DENIECE CORNEJO’S GRANDFATHER REACTS TO COURT DECISION
Samantala, sa panayam ni Cheryl Cosim ng One Balita Pilipinas ng News5 pa din, sinabi ng lolo ni Deniece na si Rod Cornejo na ikinagulat nila ang naging hatol ni Judge Bien.
Ayon dito, “Well, a combination of sadness and shocked. Sadness and shocked. Shocked because I didn’t expect such verdict.
“Sadness because, you know, family, a member of our family. She will go to prison for the rest of her life. Napakalungkot.”
Kabilang din sa nahatulan ng kaparehong pagkakakulong ang mga kapwa-akusado nilang sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.
Read: Cedric Lee voluntarily surrenders after guilty verdict
Sampung taon na ang kasong ito na nagsimula lamang sa isang simpleng pagkikita nina Vhong at Deniece Cornejo at nauwi sa isang matinding legal battle.
Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle
Maaari pang idulog ng mga nahatulan ang naging desisyon ng Taguig RTC sa Court of Appeals at Supreme Court.
Read: Vhong Navarro reacts to conviction of Cedric Lee, Deniece Cornejo in serious illegal detention case
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph