“WHAT JUST HAPPENED”
Ito ang reaksiyon ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, in all caps, sa kanyang X (Twitter) post ilang minuto matapos koronahan si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang Miss Universe Philippines 2024.
![celeste cortesi post](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/celstecortesi-post-1716433437.jpg)
“Ang ganda ganda ni Christi tas perfect yung answer nya!!!!” ang sumunod na X post ni Cortesi, na indikasyong si Christi McGarry ng Taguig ang kandidatang sinusuportahan niya.
Si Christ McGarry, na beterana sa pagsali sa iba’t ibang mga beauty pageant, ang fourth runner-up sa Miss Universe Philippines 2024.
![christi mcgarry miss universe philippines 2024](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/miss-u-template-5-1716433813.jpg)
Hindi man siya pabor sa resulta, wala nang magagawa si Celeste dahil si Chelsea ang pinili ng mga hurado.
BEAUTY-PAGEANT VETERANS
Gaya ni Celeste, maituturing na kontesera sa mga beauty pageant si Chelsea dahil sumali na siya sa Miss World Philippines 2017 na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Setyembre 3, 2017.
Labingwalong taong gulang si Chelsea nang subukan nito ang kapalaran sa Miss World Philippines 2017.
Tulad sa Miss Universe Philippines 2024, siya ang kinatawan ng Bulacan. Pero hanggang Top 15 lang ang inabot niya.
Makalipas ang pitong taon, muling tumuntong si Chelsea sa entablado ng Mall of Asia Arena para sa Miss Universe Philippines 2024.
Sa pagkakataong ito, ganap na natupad ang kanyang pangarap maging beauty queen.
![chelsea manalo miss universe philippines 2024](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/chelsea-manalo-1716425335.jpg)
Marami ang nabigla sa tagumpay ni Chelsea dahil isa kina Ahtisa Manalo at Alexie Brooks ang hinuhulaang magwawagi ng korona ng Miss Universe Philippines.
Si Chelsea ang nag-uwi ng karangalan na pinagmulan ng mga birong kaapelyido ni Ahtisa pero kakulay ni Alexie ang nagwagi dahil ito ang itinadhana.
QUEEN OF BALANCING ACT
Bukod sa Miss Universe Philippines 2024 title, binansagan si Chelsea na “Queen of Balancing Act” dahil sa katangiang ipinamalas niya nang ilagay ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa kanyang ulo ang korona.
![chelsea manalo michelle dee miss universe philippines 2024](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/chelsea-michelle-1716434365.jpg)
Mabilis itong ginawan ng sari-saring memes ng netizens na may malikhaing imahinasyon.
As of 11:20 a.m., May 23, 2024, mayroon nang 53.5K Instagram followers si Chelsea .
![chelsea manalo instagram](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/chelsea-instagram-1716434555.jpg)
Bago siya manalo, 15,600 lamang ang bilang ng mga tagasubaybay niya.
![chelsea manalo instagram](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/05/23/chelsea-manalo-twitter-1716434670.jpg)
Isa itong pahiwatig ng kanyang instant popularity dahil marami ang naintriga sa panalo niya.
Sa mga panayam kay Chelsea, ikinuwento nito na ang kanyang mga magulang ang pumasok sa isip niya nang ideklarang siya ang nagwagi ng korona at titulo ng Miss Universe Philippines. Katuparan daw ito ng kanilang mga pangarap.