Nananatiling masaya at kuntento ang aktres na si Charlie Dizon sa relasyon nila ng nobyo na si Carlo Aquino.
Ito ang iginiit ni Charlie sa kanyang panayam kay MJ Felipe matapos mahingan ng reaksyon tungkol sa bashers nila ni Carlo.
“Well you know those are the things I can’t control. I only control what I can control, and that’s myself. So ganun lang,” ani Charlie.
“At the end of the day, masaya kami. So parang ba’t iisipin ko pa ‘yung iba. May work ako, I’m so blessed. Mas nagfo-focus talaga ako sa, ‘Wow, ang blessed ko,’” sabi pa niya.
Samantala, ibinahagi rin ni Charlie kung ano ang bagay na pinakanagustuhan niya tungkol kay Carlo.
“Siguro, ano, ‘yung binibigyan niya ‘ko ng structure sa buhay. Sobra. Not a lot alam ‘yun about Carlo so parang… kung alam lang nila kung paano si Carlo talaga,” saad niya.
Unang inamin ni Charlie ang relasyon nila ni Carlo sa kanyang panayam sa TV5 noong Agosto. Sa programang Magandang Buhay, naging bukas ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.
“Super, super happy. For me si Carlo ang biggest surprise talaga sa akin, as in,” ani Charlie.
“Kasi nung una iwas na iwas ako. Before parang hindi ko talaga ini-expect ang timing niya and all. Pero parang first time ko na feel na ‘Ah, bakit open ako ngayon?’. Tapos parang siya lang talaga rin ‘yung nakagawa nun.”
Dagdag pa niya: “I mean nagkaroon din ako ng relationship before tapos hindi ganito, as in totally different. Ibang-iba. So parang ngayon ko lang na-experience na ganito pala ‘yung may jowa talaga ‘yung ganun.”
Samantala, hindi naman mapigilan ni Carlo na maging emosyonal nang ibahagi kung gaano siya nagpapasalamat para sa aktres.
“Kasi ‘yun nga, ganun siya sa akin… At saka ‘yung love na ibinibigay niya sa akin ‘yung mas nangingibabaw. Feeling ko mahal niya ako talaga, ‘yung pakiramdam,” paliwanag ng aktor.
“[And] feeling ko nagta-translate din ‘yon sa akin, kung paano ako towards other people na mas welcoming, mas warm,” saad pa niya.
Kamakailan ay bumida ang dalawa sa pelikulang Third World Romance sa ilalim ng Black Sheep Films.
Napapanood rin ngayon si Charlie sa teleseryeng Pira-Pirasong Paraiso kasama sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio, at Elisse Joson.