Chito Miranda ribs ex-girlfriend Kaye Abad about her photo in golden chair

Hindi nagpapigil si Chito Miranda, 48, sa pang-aasar sa ex-girlfriend na si Kaye Abad, 41, nang mag-post ng OOTD ang aktres.

Kuha ang litrato sa isang restaurant sa Cebu City, at ipinost ito ng aktres sa kanyang Instagram account noong Linggo, February 19, 2024.

Blooming si Kaye sa kanyang bare-shoulder white jumpsuit at litaw ang bagets na vibe sa kanyang bagong bob haircut.

Chito Miranda and Kaye Abad

Katerno ng kanyang gold clutch at gold sandals ang kinauupuang malatronong golden chair.

Pinuri ni Chito si Kaye, pero pinuna rin ng Parokya Ni Edgar frontman ang magarbong kinauupuan ng aktres.

Pabirong hirit ni Chito kalakip ng shocked emoji, “Ganda!! Tsaka grabe sosyal ng sala nyooo.”

Maraming netizens ang natawa sa kuwelang hirit ni Chito.

Ikinatuwa naman ng ibang netizens na on good terms sina Kaye at Chito na anila’y parehong masaya na rin sa kani-kanilang pamilya.

Chito MIranda and Kaye Abad
Chito MIranda and Kaye Abad

May isang suhestiyon na bagay raw sumalang sina Chito at Kaye sa “Expecially For You,” ang sikat na segment sa It’s Showtime para sa ex-couples na muling naghaharap at nagkukuwento kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan.

Chito MIranda and Kaye Abad

CHITO MIRANDA AND KAYE ABAD

Higit pitong taong naging magkasintahan sina Kaye at Chito, hanggang sa naghiwalay sila noong 2009.

Nanatiling mabuting magkaibigan ang dalawa kahit noong kasagsagan ng hiwalayan nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2016, sabi ni Chito tungkol sa breakup nila ni Kaye, “It wasn’t dramatic-teleserye breakup, it was very uneventful.”

Sa Myx Music Awards noong 2014, si Kaye ang presenter nang tanghaling Favorite Group ang bandang Parokya Ni Edgar.

Biro noon ni Chito, “Buti na lang malakas ako sa kaibigan ko.”

Nakunan din ng PEP.ph ng litrato ang yakapan ng dalawa sa stage noon.

chito miranda kaye abad myx music awards

Kaye Abad and Chito Miranda had a little reunion when she announced Parokya ni Edgar as Favorite Group at Myx Music Awards in 2014. Chito joked, “Buti na lang malakas ako sa kaibigan ko.”

HAPPILY MARRIED

Parehong masaya sa kani-kanilang pamilya sina Chito at Kaye.

Si Kaye ay ikinasal kay Paul Jake Castillo sa Cebu noong December 9, 2016. Mayroon silang dalawang anak: sina Joaquin at Iñigo.

Si Chito ay ikinasal kay Neri Naig via civil wedding noong December 13, 2014, at sinundan nila ito ng kasal sa Tagaytay kinabukasan. Mayroon silang tatlong anak: sina Miggy, Cash, at Pia.