Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco

Christine Bermas admits being cheated on by Nico Locco

Hiwalay na ang Vivamax stars na sina Christine Bermas at Nico Locco matapos ang mahigit dalawang taon nilang relasyon.

Ang pagsasapubliko ng dalawa sa kinahantungan ng kanilang pagmamahalan ay nangyari nang sumalang sila sa segment na “EXpecially For You” ng It’s Showtime nitong Lunes, May 7, 2024.

Si Christine ang sumalang bilang searcher, habang si Nico naman ang tumulong sa kanya sa pagpili ng searchee.

Christine Bermas admits being cheated on by Nico Locco

Emosyunal na pagbubunyag ni Christine, dahil sa ilang beses na panloloko at pangangaliwa sa kanya ni Nico kaya sila nag-break.

Pagbabahagi niya: “Sinira niya lahat, e, sinira niya ang buhay ko. Kaya sabi ko, stop [na].

“Kasi ako, that time, namulat na ako sa self ko na sobrang nagbigay na ako ng love to this person, tapos hindi na ako nagtira sa self ko.

“So, alam ko, aminado ako, kapag naghiwalay kami nito, ako yung mas magsa-suffer at masasaktan.

“I gave too much, like, chances. I gave a lot of chances also and then biglang…”

Hindi pa natatapos ni Christine ang kanyang sasabihin nang biglang sumundot ng tanong ang It’s Showtime host na si Vice Ganda, “Chances saan?”

Sagot ni Christine, “Like, may mga misunderstandings, may mga ganung bagay kami, especially sa work, e.

“So, yun talaga yung nag-trigger for both of us that’s why we broke up.

“It’s so hard, lalo na ako nahirapan akong i-balance yung work and being in a relationship, nahihirapan ako that time.

“Hindi ko rin siya nabibigyan ng time. And then siya also, lagi siyang nag-a-out-of-town.

“I gave him a lot of chances to become a better person every day.”

CHRISTINE BERMAS REVEALS NICO LOCCO CHEATED ON HER

Muling paglilinaw ni Vice, “Nasaan diyan yung binibigyan mo siya ng chances, e, ikaw pala yung walang time? Gusto kong lang malaman yung konteksto. Was he cheating? Maraming beses siyang nag-cheat tapos pinatawad mo, pero umulit?”

Dito na saglit napahinto si Christine at napatingin kay Nico.

Mahihinuha na wala siyang balak sabihin ang dahilan ng kanilang breakup, ngunit sa patuloy na pagtatanong ni Vice ay inamin niya ang panlolokong ginawa ni Nico sa kanya.

Naluluhang sagot ni Christine: “Dumating sa point na ganun [nag-cheat nang paulit-ulit]. So, yeah.”

Sa katunayan, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw maintindihan ni Christine kung bakit ito nagawa nang paulit-ulit sa kanya ni Nico, gayong noong sila pa ay wala namang ibang inisip ang aktres kundi ang kapakanan ng aktor.

Mangiyak-ngiyak niyang pagbabahagi: “I don’t know coz I genuinely love him and he knows that.

“He knows na he’s my first boyfriend din so I gave everything to him.

“I gave him a lot of chances because I just want him to feel also na there’s one person that can truly love him na hindi na niya kailangang hanapin pa sa ibang tao.

“He was the one who told me na nagkaroon siya ng mga failed relationship before, and I don’t want him to experience that again anymore.

“I just want to give him hope that he can truly love someone, like, genuinely, at hindi na niya yon kailangang hanapin sa iba.”

Walang sinabing eksaktong petsa sina Christine at Nico kung kailan sila naghiwalay.

Ngunit matatandaan na ang Thai transwoman billionaire na si Anne Jakrajutatip ang huling na-link kay Nico.

NICO REACTS TO CHRISTINE’S REVELATION

Nang hingan ng reaksiyon si Nico, hindi naman niya pinabulaanan ang naging rebelasyon ni Christine.

Pag-amin ng Italian-Canadian actor-model, hindi perpekto ang naging relasyon nila ng dating nobya.

Marami raw silang hindi pagkakaunawaan hanggang sa makagawa na siya ng kasalanan na hanggang ngayon ay kanya raw pinagsisisihan.

Sabi ni Nico, “Ayoko mag-excuses, e. I’m not gonna stand here and make excuses. Pero, relationships are black and white.

“There’s a lots of grays and ibang colors so maraming nangyayari sa isang relationship, hindi perpekto ang relationship namin.

“Maraming times na nag-separate, nagbalik, ganun, paulit-ulit.

“Hindi siya perfect. Ako, hindi ako perfect, marami akong kasalanan sa buhay ko. And I’m sure everybody’s watching this, may kasalanan din sila.

“Unfortunately, nag-fail ako sa relationship na ito.”

Wala rin daw siyang masisisi kundi ang sarili niya sa pagkakasira ng tiwala sa kanya ni Christine.

Aniya, “Wala naman siyang kulang [Christine]. Ako ang may kulang.

“Growing pa rin ako. Kahit 29 na ako, I still a lot to learn. Malayo pa ako to be honest.”

Sundot na tanong sa kanya ni Vice, “Why did you still cheat? Why do cheater cheat kahit na nakita na nila yung pinakamaganda, pinakamabait, pinakamaalaga, pinagdarasal nila, bakit pa sila nagloloko? Do you understand yourself, bakit mo nagagawa yon?”

Sagot ni Nico: “Hindi, actually. Sinabi mo na, hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko kaya hinahanap ko sa iba.

“I’m not saying na tama yan, that’s a natural instinct where us as humans na, I think, I don’t understand myself, hindi ako sure sa sarili ko.

“Ang hirap i-pinpoint yung problem ko.”

CHRISTINE LEARNS “A LOT” FROM HER PAST RELATIONSHIP

Si Nico ang unang boyfriend ni Christine, kaya ganoon na lamang daw ang sakit na naidulot sa kanya ng kanilang breakup.

Saad niya, “Nawalan ako ng hope for the last few weeks.

“Hope sa self ko and hope also na in the future, makakakita ako ng right person. Kasi, parang yung first relationship ko is failed already.

“Nahirapan ako ulit mag-trust, sobrang durog ako.”

Pero ganunpaman, hindi naman daw itinuturing ni Christine na traumatic ang kanyang napagdaanan, bagkus ay malaking lesson ito sa kanyang buhay na magagamit niya susunod na magiging karelasyon.

Ani Christine, “Hindi naman [siya traumatic]. I think I need to feel this pain to grow also and makita ko na sa isang relationship. There’s not always, like, happy, or you will not always feel happy.

“For me, I would say na this relationship isn’t traumatic but I learned a lot from it.”

Sa panayam ng DZRH kay Christine noong June 8, 2023, inamin nitong isinuko niya ang kanyang virginity nang maging karelasyon niya si Nico.

Ipinagmamalaki kasi noon ng Vivamax sexy actress na “No Boyfriend Since Birth” nang pumasok siya sa showbiz.

NICO’S CHEATING HISTORY

Noong 2019, inamin din ni Nico na dahil sa cheating kaya’t nag-break sila ng dating kasintahan, ang actress-TV host na si Arianne Bautista.

Si Nico raw mismo ang nagloko nang makilala niya ang isang non-showbiz girl sa isang event.

Pagtatapat noon ni Nico, “To be honest, and for the record, I did cheat on her.

“I can’t lie, right? I cheated on her, I made a mistake, I got uncomfortable in the relationship.”

Ibig sabihin, kahit may relasyon sila ni Arianne ay may iba pa siyang girlfriend?

“Tama, tama po… well, I didn’t have another girlfriend, pero may interactions with other women,” sabi ni Nico.

Humantong pa raw sa pagkakataong naka-one-night stand niya ito na mas lalong nagpagalit kay Arianne nang matuklasan nito ang pangangaliwa ni Nico.

Binuksan daw kasi ng aktres ang laptop ni Nico, at dito niya nakita ang pag-uusap nila ng babaeng kalandian niya.

Personal na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nico noong December 5, 2019, sa isang event. Dito ay natanong siya kung bakit siya nag-cheat kay Arianne.

Sagot niya: “I dunno why, but I thought, for some reason, my relationship with her and what I was doing on the side wouldn’t cross over, they wouldn’t affect each other.

“Which was totally bobo of me because siyempre it was gonna affect her, and did affect her, really hurt her badly.

“And I’m still mad at myself for that.”