Clint Bondad follows only Tom Rodriguez on Instagram

clint bondad tom rodriguez instagram

Naiintriga ang ilang mapagmasid na netizens dahil napansin nilang isa na lang ang pina-follow ng model na si Clint Bondad sa Instagram—ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nag-post ngayong araw, May 21, 2024, tungkol sa kanyang napansin sa account ni Clint.

Sabi nito, “Just in: Clint Bondad is only following Tom Rodriguez on Instagram, no one else.”

Si Clint ay may 618K followers.

Clint Bondad following on Instagram is only Tom Rodriguez

Pero si Tom lamang ang kanyang following.

Clint Bondad following on Instagram is only Tom Rodriguez
Naka-follow rin si Tom kay Clint.
Clint Bondad following on Instagram is only Tom Rodriguez

Hiwalay na si Tom sa estranged wife na si Carla Abellana, at inamin ng aktor kamakailan lamang na mayroon na siyang dini-date ngayon.

Tanong ng isang X user sanag-post na netizen, “Omg ka marse. Hahaha! What’s the tea? Char!

“Sagot nito, “Catriona ang peg mader. Ganyan siya kay Cat dati diba charot”

Ang tinutukoy ng netizen na “Catriona” ay ang dating karelasyon ni Clint na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Anim na taon ang relasyon nina Clint at Catriona, pero nauwi ito sa hiwalayan noong 2019.

OTHER POSTS OF NETIZENS

Takang-taka rin ang ibang netizens kung bakit iisa lamang ang pina-follow ni Clint.

Post ng isa sa X, “Clint Bondad is following Tom Rodriguez on Instagram. He is the only person he is following. Plss ayaw ko mag overthink (crying emoji)”

Sabi naman ng isa, “kung kani-kaninong buhay sumusulpot ‘tong si clint bondad”

Ayon sa isa pa, “Just in: Clint Bondad is following Tom Rodriguez on Instagram. He is the only person he is following. Sana all isa lang fnofollow.”

Na-link noon si Clint sa Thai transwoman billionaire at Miss Universe Organization owner na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip.

Hiningi na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Clint thru direct messaging sa Instagram, pero hindi pa siya sumasagot sa amin.

Wala pa ring komento rito ang aktor na si Tom.