Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement

Kumpirmadong break na ang aktres na si Bea Alonzo sa long-time boyfriend nitong si Dominic Roque.

Sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 ngayong Martes ng hapon, February 6, 2024, kinumpirma ng host na si Boy Abunda ang balitang hiwalay na sina Bea at Dominic.

Ibig sabihin, hindi na matutuloy ang kasal ng engaged couple.

Nagdesisyon ang dalawang tapusin ang kanilang relasyon halos pitong buwan pagkatapos mag-propose si Dominic kay Bea.

Naganap ang engagement ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.

dominic roque bea alonzo breakup

Ayon kay Boy, base sa kanyang sources, nag-usap muli kamakailan lamang sina Bea at Dominic. Ngunit wala raw umanong katiyakan kung magkakaayos pa sila.

Saad niya, “As a matter of fact, from good sources, kagabi or noong isang gabi lamang ay nag-usap ulit si Bea at saka si Dominic.

“They’re trying to understand each other but they’re going through a rough patch.

“Magkakabalikan ba ito o magtatagumpay ba sa panunuyo si Dominic? We don’t know.

“Wala hong makakasagot ng katanungan na ito but, of course, my prayer is that may God grant them what is best for them.”

Ang sigurado lamang daw ay isinauli na ni Bea ang engagement ring kay Dominic.

Ani Boy, “I am confirming, yes, that hiwalay sila ngayon.

“Ano ang status? Wala.

“I think kung tama ang aking source, [si] Bea ay isinoli na ang kanilang engagement ring.

“But are they hoping? Ako, ang hula ko is yes, kasi you don’t say, ‘Tomorrow I’m going to stop loving.'”

Hindi sinabi ni Boy kung ano ang dahilan ng breakup ng dalawa.

PRENUP AGREEMENT

Pinabulaanan naman ng sources ni Boy ang isyu tungkol sa prenup agreement. Sa katunayan nga raw ay mismong si Dominic ang nag-offer sa ina ni Bea ng prenup.

Hindi raw ito kailanman naging isyu sa dalawa.

Dominic Roque shares Bible verse on suffering, perseverance

“Yung prenup ho, medyo na-shock ho ako dahil ang pagkakaalam ko, many months ago, napag-usapan ito sa aking pagkakaalam, and I’d like to confirm this with my friends, my sources.

“Because when this was being talked about, yung prenup, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na okay ang prenup ay si Dominic.

“So, I don’t think it is or it was an issue unless nabago po ang kuwento.

“It was not an issue, to be fair to Dom,” sabi ni Boy.

Wala rin daw katotohanang may magaganap na kasalan sa Abril sa Tagaytay.

Pagpapatuloy ni Boy, “Did they call off the wedding? Yes.

“Marami ho kasing lumalabas na April ang wedding, sa Tagaytay ang wedding, kinansel ang wedding.

“There was no April, there was no Tagaytay, there was no wedding in Tagaytay that was cancelled.

“Bea and I would often talk about the wedding towards the end of the year, the last quarter of the year.

“But as of now, wala. Walang wedding po na magaganap ngayong darating na Abril because, in the first place, there was no wedding in April at it was not going to be in Tagaytay.

“As originally talked about, nag-ocular po ang dalawa sa Europa and may mga lumalabas din na kuwento na they went to Japan.

“Tama rin po yon and I think they were trying to talk things out.”

Netizens think Dominic Roque, Bea Alonzo are incompatible - The Filipino Times

Ipinagtanggol naman ni Boy sina Bea at Dominic sa mga lumabas na usap-usapan.

Saad niya, “Ito ang ayaw ko dito sa kuwentong ito, pinalalabas na ang may problema si Bea Alonzo kasi naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo.

“‘Ay, hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.’ To me, napaka-judgmental po nun…

“The narrative is not about Bea ang problema kaya sila naghiwalay.

“Sa pagkakaalam ko, ito diretsahan, si Bea gustong ma-save ang relasyon na ito. Si Bea wants this to work.

“Punta naman tayo kay Dominic. Masakit din pakinggan, walang pera, hindi mayaman, hindi sikat, hindi karapat-dapat kay Bea. Cruel!

“You have the right to comment. You have the right to share your opinion pero sana’y let’s exercise prudence, caution, and most important of all, kindness.”

Kung magkasundo man daw ang dalawa ay siguradong walang magaganap na kasal ngayong 2024.