CONFIRMED: Jericho Rosales and Kim Jones have been separated since 2019

Matapos ang ilang taong usap-usapan, kinumpirma ng isang malapit na kaibigan nina Jericho Rosales, 44, at Kim Jones, 36, na hiwalay na nga ang mag-asawa.

Ngunit ang nakakagulat ay ang rebelasyong noon pang 2019 hiwalay ang aktor at ang Filipino-British model-digital creative.

Ibig sabihin, halos limang taon nilang itinago sa publiko ang totoong estado ng kanilang pagsasama.

Kinumpirma ni Ricco Ocampo, may-ari ng i2i eyewear at ninong sa kasal nina Jericho at Kim, ang paghihiwalay ng dalawa. Ginawa ito sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas sa ABS-CBN News ngayong Lunes, January 29, 2024.

jericho rosales kim jones breakup

Ayon kay Ocampo, nananatiling “very good friends” ang dalawa sa kabila ng desisyon nilang tapusin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

“Mutual decision” at “amicable separation” daw ang nangyari sa dalawa, ngunit hindi idinetalye ni Ocampo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Bahagi pa ng kanyang pahayag: “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives.

“They are encouraging each other to grow, albeit in different directions. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.”

Lubos daw ang pasasalamat nina Jericho at Kim sa magagandang alaalang pinagsaluhan nila at kinapulutan ng aral.

Sabay raw nilang pinagdaanan ang kanilang paghihiwalay “with the utmost respect and care toward each other” dahil best of friends sina Jericho at Kim, at mahal nila ang isa’t isa na kagaya ng pamilya.

Saad ni Ocampo: “The two are filled with gratitude for the memories they’ve made together and the lessons they’ve learned.

“They have journeyed through the separation with the utmost respect and care toward one another precisely because Echo and Kim are the best of friends and love each other like family.

CONTINUE READING BELOW ↓ NOOD KA MUNA!

“This split is not borne out of ill feelings. On the contrary, one might say that it is a demonstration of their affection and respect, as Echo and Kim only wish the best for each other.”

Pinasalamatan din daw nina Jericho at Kim ang mga taong sinuportahan sila sa loob ng halos limang taon nilang pagsasama, at hinihiling ng dalawa na irespeto ang kanilang privacy.

“They are incredibly grateful for those who have supported them throughout the years, and appreciate the respect of their privacy during this time,” ani Ocampo.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy pa rin daw ang mga colaboration nila sa trabaho, tulad na lamang ng isang pelikula kung saan si Kim ang writer, director, at artista, at si Echo naman ang tumatayong producer.

Jericho Rosales, Kim Jones split confirmed

RUMORED BREAKUP

Noon pang 2022 ay may bulung-bulungan nang hiwalay na sina Jericho at Kim, ngunit tuwing nakakausap ng entertainment press ang aktor tungkol dito ay mariin niya itong itinatanggi o di kaya’y pilit iniiwasang pag-usapan.

Sa ambush interview ni Gorgy Rula ng PEP Troika kay Jericho pagkatapos ng isang product launch noong September 18, 2022, direktang tinanong ni Gorgy kung totoong hiwalay na sila ni Kim.

Napamulagat ang aktor at sinabing, “All right guys! I love you. Thank you!”

Madali rin naman niyang sagutin ng “Oo” o “Hindi.” Kaya nakita ng iba na hudyat itong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito.

Makalipas ang ilang araw, noong September 22, 2022, ay nagpalitan ng sweet messages sa Instagram ang mag-asawa.

Nag-post si Kim ng short but sweet birthday greetings para kay Jericho, na nagdiwang noon ng kanyang ika-43 kaarawan.

Makikita sa mga litratong in-upload ni Kim ang ilang larawan ng kanyang mister habang nag-e-enjoy itong mag-swimming sa La Union.

Saad ni Kim sa caption (published as is):” Birthday boy in his natural habitat. This year is yours @jerichorosalesofficial!!!!”

Sagot dito ni Jericho: “I loooove! Back at you, [queen]! [heart emoji].

Ipinagpalagay ng netizens na ito ang paraan ng dalawa upang pabulaanan ang balitang may pinagdaraanan ang kanilang relasyon.

Ngunit pagpasok ng 2023 ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyung hiwalay na umano sina Jericho at Kim.

Sa isang panayam kay Jericho noong June 2023 ay muli siyang inusisa sa breakup rumor.

Hindi direktang sinagot ng aktor ang katanungan, pero sinabing hinahayaan na lang daw niya ang mga taong isipin kung ano ang gusto nilang isipin.

Kaswal na sagot ni Jericho, “People are entitled to think what they think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako.”

Dagdag pa niya, “But it’s okay, people are entitled to their own opinion, I’m really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.

“What you see is what you get. As long as you Iive in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin.”

Hanggang ngayong pumasok ang 2024 ay hindi pa rin nawawala ang maingay na balitang tinapos na nina Jericho at Kim ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagpapalitan nila ng mensahe at komento sa posts ng isa’t isa sa Instagram.

Ngunit kapansin-pansing matagal-tagal nang hindi nagpu-post ang mag-asawa ng mga larawang magkasama sila o di kaya’y ng isa’t isa.

Sa pagbisita ng Philippine Entertainment Portal sa Instagram account ni Jericho (@jerichorosalesofficial), ang huling post niyang may larawan ni Kim ay “76 weeks” ago pa o noon pang August 2022.

View this post on Instagram

Jericho Rosales and Kim Jones' breakup: Here's what netizens have to say

A post shared by Jericho Rosales (@jerichorosalesofficial)

Sa Instagram account naman ni Kim (@kimcamjones) ay halos walang makikitang larawan ni Jericho nitong mga nakalipas na taon.

Sa pinakahuling panayam ng PEP.ph kay Jericho nito lamang January 12, 2024, tumanggi si Jericho na magkomento sa blind item na tumutukoy umano sa kanila: isang sikat na aktor na hiwalay na sa magandang misis nito at inaayos na lang ang kanilang annulment pero sa kabila raw ng paghihiwalay ay magkaibigan pa rin dalawa.

Sagot ni Jericho nang tanungin tungkol dito: “No comment because it’s not the place.”

Pero tiniyak ng aktor na maayos ang relasyon nila ni Kim.

Saad niya, “I never really talk about my relationships but we’re happy, we’re good.

“Kim and I, we’re amazing, we’re fantastic.”

Nagkakilala ang dalawa noong March 2011 sa pamamagitan ng misis ni Dominic Ochoa, isang aktor.

Naging magkarelasyon sila Echo at Kim noong October din ng 2011, pero isinapubliko lamang nila ito noong March 2012.

Na-engage sila noong August 2013.

Ikinasal sina Jericho at Kim sa pamamagitan ng intimate garden wedding ceremony sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa sa Boracay Island, Aklan, noong May 1, 2014.

Hindi sila nagkaanak.