Cristine Reyes finally admits marriage to Ali Khatibi has been annulled

cristine reyes marco gumabao ali khatibi

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Cristine Reyes na annulled na ang kasal nila ng kanyang ex-husband na si Ali Khatibi.

Ginawa ni Cristine ang rebelasyon sa guesting nila ng boyfriend na si Marco Gumabao sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 ngayong Huwebes ng hapon, Pebrero 1, 2024.

cristine reyes marco gumabao fast talk

Cristine Reyes and boyfriend Marco Gumabao on Fast Talk With Boy Abunda

“Yes!” sagot ni Cristine nang magtanong si Boy kung annulled na ang kasal nila ni Ali.

“Hindi ko naman siya in-announce, e. It’s not something to celebrate,” katuwiran ni Cristine tungkol sa desisyon nitong huwag isapublikong napawalang-bisa na ang kasal nila ni Khatibi.

Ikinasal sina Cristine at Ali sa Balesin Island, Polillo, Quezon, noong Enero 27, 2016.

Pero makalipas lamang ang dalawang taon, noong 2018, ay umugong ang usap-usapang hiwalay na umano sila.

Ang annulment nina Cristine at Ali ang kumpirmasyong malayang-malaya na ang aktres at walang anumang sagabal sa pakikipagrelasyon niya kay Marco.

cristine reyes marco gumabao fast talk

May paliwanag din si Cristina tungkol sa “cougar” statement niya sa panayam sa kanya ni Boy noong 2019 na nag-viral matapos aminin ni Marco ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Abril 2023.

Lahad ng aktres, “Ipapaliwanag ko, kasi nung times na yon, talaga namang way younger si Marco sa akin.

“Parang ang feeling ko, kung tatanungin mo ako nung time na yon, I think same answer pa rin.”

Rebelasyon naman ni Marco habang tumatawa, “When I post the photo na kami na during that time — so nag-resurface yung interview mo [Boy] with her, cougar and everything — all her friends were messaging her, naiinis siya, napipikon talaga siya.”

Kinilig at naghiwayan naman sa tuwa ang mga tao sa studio ng Fast Talk nang walang pag-aalinlangang ipinagtapat ni Marco na napag-uusapan na nila ni Cristine ang kasal.

Sabi niya, “Yes, yung future together. Pero yung details or kung ano, of course, konti-konti.

“Pero yung mas… the long, longer alone, yun ang napag-uusapan namin.”

Sa Pebrero 5, 2024 ang ika-35 kaarawan ni Cristine.

Ayon kay Marco, 29, pupunta sila sa Siargao Island para doon ipagdiwang ang importanteng araw sa buhay ng girlfriend.