Taliwas sa akala ng marami, si Cristy Fermin ang sinampahan ng patung-patong na reklamo ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.
Inanunsiyo ito mismo ni Cristy sa online show niyang Showbiz Now Na kahapon, March 13, 2024.
Nasa tabi niya ang mga co-host na sina Romel Chika at Wendel Alvarez, na kasama rin sa sinampahan ng reklamo ni Esther.
Ang mga reklamong isinampa ni Esther laban sa tato ay “cyberlibel, harassment, defamation, and unjust vexation.”
Pagkumpirma ni Cristy, “Tutal sa kanya na rin naman po ito nanggaling, kami na po ang kukumpirma.
“Kami pong tatlo ang idinemanda ng cyberlibel ng mag-asawang [Abdel] at Esther Lahbati.
“Kami pong tatlo. At hindi na po namin idedetalye pa ang mga dahilan kung bakit.
“Kasi ang abogado na po namin si na Atty. Ferdie Topacio at Atty. Ralph Andrada ang nakakaalam po ng mga detalyeng ito.”
Ayon pa kay Cristy, nagkaharap na sila ni Esther sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong cyberlibel.
“Nagkaharap na po kami nang minsan ni Aling Esther. At may mga susunod pa po.
“At naging maayos po ang aming pagkikita sa piskalya ng Quezon City
“Kami po yun. Wag na po kayo manghula na baka may isinampa sila laban kay Richard Gutierrez.
“Kami po ang sinampahan nila ng kasong cyberlibel,” ulit niya.
THE REASON FOR CYBERLIBEL
Bagamat hindi idinetalye ni Cristy kung ano ang pinagmulan ng pagsasampa ng reklamong cyberlibel sa kanya ni Esther, mahihinuhang may kinalaman ito sa paghihiwalay ng mag-asawang Sarah at Richard.
Saad ni Cristy sa kanyang programa: “Sa pinakamahabang panahon po, mula nung lumabas yung balita ng paghiwalay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, walang sinuman sa kanilang dalawa na kumukumpirma sa kuwento.
“Ang tagal! Hanggang sa isang araw ay nagsalita si Sarah na, ‘I am single.’
“‘I am single,’ sabi niya.
“Sa palagay mo, bakit mula sa walang kibo nilang sitwasyon ni Richard, ay nagsabi na si Sarah ng ‘I am single?'”
Dagdag pa niya, “Ang tanong naman po ng napakarami, si Richard Gutierrez, hindi po nagsasalita.