Cristy, nabalitaang nagpapatulong umano si Daniel sa mga kaibigan na ma-win back si Kathryn

– Nakarating umano kay Cristy Fermin ang balitang kinakausap umano ni Daniel Padilla ang common friends nila ni Kathryn

– Ito ay sa pagbabaka-sakaling magkabalikan pa sila ng aktres na nakarelasyon niya sa loob ng 11 taon

– Gayunpaman, naniniwala si Cristy na sakaling totoo ito, maaring nakikinig lang ang mga kaibigan ngunit hindi mamagitan

– Nobyembre 30 nang halos magkasabay na kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! naibahagi nina Cristy Fermin ang nakarating sa kanilang balita patungkol sa ginagawa ni Daniel Padilla.

Cristy, nabalitaang nagpapatulong umano si Daniel sa mga kaibigan na ma-win back si Kathryn

Ito ay may kaugnayan umano sa pagbabaka-sakali ni Daniel na magkabalikan pa sila ni Kathryn.

“Eto rin po ang pinakamatinding kwento na nakarating sa amin. Parang si Daniel Padilla nakikiusap sa kanilang common friends. Hindi na po namin iisa-isahin kung sino-sino ‘yung mga ka-tropa nila. Nilalapitan ni Daniel Padilla para pakiusapan, baka ma-win back pa niya si Kathryn.”

Sa kabila nito, naniniwala umano si Cristy na sakaling may katotohanan ito, maaring nakikinig lamang ang mga malalapit nilang kaibigan na nalapitan ni Daniel subalit hindi na raw para mamagitan pa sa desisyon ng dalawa.

Matatandaang, sa kabila ng hiwalayan, nagawa pa ring magkasama ng ‘Kathniel’ sa ABS-CBN Christmas Special at sa Asia Artist Awards.

Tinutukan ito lalong-lalo na ng kanilang fans na nirespeto ang kanilang desisyon at nagpasalamat na sa kabila ng nangyari ay nagawa paring magsama ng dalawa. Si Daniel Padilla ay isang aktor at modelo sa Pilipinas.

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersiya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.