Did Kathryn make it to Karla’s birthday?
Spotted si Daniel Padilla sa 49th birthday celebration ng kanyang ina na si Karla Estrada na ginanap sa kanilang bahay sa Quezon City.
Base sa Instagram Stories ni Karla, nakunan ng video ang yakapan ng mag-ina nang dumating si Daniel.
Kasama ni Daniel si Luz Bagalacsa, ang manager niya sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
May family picture rin sila kasama ng mga nakababatang kapatid ni Daniel.
Wala ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa mga ni-repost na pictures ni Karla sa kanyang IG.
Hindi maiwasang hanapin ng iba si Kathryn dahil matunog pa rin ang espekulasyon sa mga isyung inuugnay na sanhi umano ng breakup ng magkasintahan.
Hindi malinaw kung dumating si Kathryn at di lang nakunan ng picture, o kung mayroon itong prior engagement kung hindi man ito nakarating sa pagdiriwang ng birthday ni Karla.
Sa kabilang banda, karamihan sa mga bisita ni Karla ay mga kaibigan niya kabilang sina Marjorie Barretto, Ruffa Gutierrez, at Joy Ortega.
Naroon din si Sunshine Cruz.
NETIZENS ASK KARLA ABOUT KATHNIEL ISSUE
Sa kabilang banda, nakatawag ng pansin ang Instagram post ni Karla na puno ng Bible verses at inspirational quotes tungkol sa pag-handle ng mga pagkakamali.
Kalakip iyon ng ilang solo pictures ni Karla, na may kasama ring family picture at birthday messages sa kanya.
Sabi ni Karla sa isang caption niya, “Be strong and courageous… for the Lord your God will be with you.”
May isa pa siyang quote na nagsasabing, “HE WHO IS WITHOUT SIN AMONG YOU, LET HIM BE THE FIRST TO THROW A STONE. JOHN 8:7”
Sabi sa isa pang quote, “Your past mistakes are meant to guide you not define.
Dagdag ni Karla sa caption, “Yes! We are strong mama’s!”
Sa comments section, marami sa mga nagpakilalang fans ng KathNiel ang nag-aabang kung magbibigay raw ba ng komento si Karla sa mga kumakalat na intriga sangkot ang anak na si Daniel.
Tikom ang bibig ni Karla sa isyu habang isinusulat ang artikulong ito.