Daniel Padilla, suportado pa rin ng solid fans

Matinee idol Daniel Padilla celebrates his 29th birthday by visiting an animal shelter in Pampanga on April 29, 2024.

PHOTO/S: TWITTER / INSTAGRAM

GORGY RULA

Ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang 29th birthday sa isang animal shelter sa Pampanga ngayong Biyernes, April 26, 2024.

Suportado ng TeamsoliDs itong “Community Pawject” ni Daniel.

Namahagi sila ng mga pagkain at gamot sa mga rescued na mga aso at pusa.

Nakakabilib ang effort ng solid fans ng aktor na lahat ay ginagawa para maipaabot ang pagmamahal nila kay Daniel.

Sumuporta rin ang solid fans ng aktor sila sa pagdalaw ni Daniel sa Child Haus, at pati itong ‘Community Pawject’ sa animal shelter sa Pampanga.

Ngayong araw ay may pa-LED Billboard pa sila para batiin si Daniel sa kanyang kaarawan.

Ipinost nila sa Instagram na nagpa-install sila ng LED billboards sa EDSA Ortigas, EDSA Cubao, EDSA GMA, Katipunan, at sa C5 Libis.

daniel padilla billboard

Sana nga, ang susunod na susuportahan nila ay ang upcoming projects ni Daniel.

May linaw na ang gagawing pelikula ng ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo, ang sequel ng Hello, Love, Goodbye, katambal si Alden Richards.

Ang dinig namin ay magsu-shoot daw muna ng ilang eksena sa Hong Kong at ang kasunod ay sa Calgary, Canada na.

Teka nga pala! Binati kaya ni Kathryn si Daniel sa kanyang kaarawan?

NOEL FERRER

Sana, okay pa rin si Daniel at Kathryn.

Sana, maging magkaibigan pa rin sila. Sana, makagawa pa rin sila ng mga project na magkasama.

Basta I wish them well.

And I am a firm believer of their talents whether together or apart.

As for Daniel, dahil birthday niya ngayon… sana mag-full force siya to establish himself as an actor and a performer.

Sana, a good movie soon— and ako, a good major concert. Kasi, naniniwala akong kaya niya talaga.