Darren Espanto on Jillian Ward: “She’s very chill.”
Singer-TV host Darren Espanto on Cassy Legaspi: “Makulit sila, e. Sabi namin best friend lang kami ni Cassy. Best friends talaga, e.”
PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM
Tinuldukan na ni Darren Espanto ang usap-usapan sa kanila ni Cassy Legaspi.
Malapit lamang daw talaga silang magkaibigan.
Sa panayam sa kanya ng TV Patrol kahapon, April 8, 2024, sinabi ng It’s Showtime mainstay na best friends lamang ang turingan nila ng Kapuso actress.
Saad niya, “Makulit sila, e. Sabi namin best friends lang kami ni Cassy.
“Best friends talaga, e. Parang it’s something that a lot of people, I guess, won’t get.
“Hindi ko alam kung paano i-explain, but siyempre andun pa rin yung pagmamahal namin para sa isa’t isa.”
Sa tanong kung maari pa nilang i-level-up ang kanilang relasyon, sagot ng singer, “No, not right now, no.”
Samantala, pinag-usapan naman ang guesting ng Kapuso star na si Jillian Ward sa It’s Showtime noong pilot episode nito sa GMA Network last April 6, 2024.