David Licauco to BarDa fans: “Iwasan lang ang hate.”

David Licauco to fans of love team with Barbie Forteza: “Iwasan lang ang hate.”

PHOTO/S: @DAVIDLICAUCO @SPARKLEGMAARTISTCENTER ON INSTAGRAM

Sina David Licauco at Barbie Forteza pa rin ang magkapareha sa upcoming prime-time series ng GMA-7 na Pulang Araw.

Napapatunayan nina David at Barbie na hindi kailangang maging magkarelasyon ang screen partners para magkaroon ng fan base.

Barbie Forteza and David Licauco, aka BarDa, as part of Pulang Araw

Barbie Forteza and David Licauco, a.k.a. BarDa, join the cast of Pulang Araw
PHOTO/S: DAVID LICAUCO & BARBIE FORTEZA FC ON FACEBOOK

Ano ang pakiramdam ni David na na-break nila ni Barbie yung norm sa isang Pinoy love team?

“Well, I think meron pa rin nagho-hope na maghiwalay sila ni Jak,” pagtukoy ng 29-year-old actor sa real-life ni Barbie na si Jak Roberto.

“But I think, alam naman nila na hindi mangyayari yung ganoong bagay dahil may kanya-kanya nga kaming buhay.

“Masaya naman kami na ginagawa namin ito, at saka I’m happy to see her journey as an actress, and her, getting all the endorsements and getting all the recognition that she truly deserves.

“Kasi, alam ko naman na sobrang galing ni Barbie na artista. At nakilala ko siya na napakabait na tao.

“Siya kasi yung type ng artista na alam niya ang work, which is tama naman talaga.”

barbie forteza and real-life boyfriend jak roberto

PHOTO/S: @BARBARAFORTEZA ON INSTAGRAM

DAVID LICAUCO ON HAVING A GIRLFRIEND

Bago pa man sila naging love team, bukas na sa lahat ang relasyon nina Barbie at Jak.

Pero kay David, hindi ba nagiging pressure sa kanya sakaling may girlfriend siya at malaman ng publiko?

“Hindi naman, hindi naman,” sagot niya.

“Alam ko naman na trabaho lang yung showbiz. Hinihiwalay ko kung ano man ang meron ako sa relationship outside showbiz.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David sa ginanap na mediacon ng G! LU sa KAO Manila Newport Resorts World noong April 17.

DAVID LICAUCO TO BARDA FANS

Sa BarDa fans na minsan, nagagalit at ipinipilit na dapat sila rin talaga sa totoong buhay, ano ang mensahe niya sa kanila?

“Happy ako na napapasaya namin sila, pero sana, wag lang sila yung—I mean, i-limit lang ang hate.

“Kasi naiintindihan ko naman kasi, very well invested sila sa amin. Naapektuhan din sila.

“Pero sa akin, iwasan lang ang hate.”

DAVID LICAUCO SETS SIGHTS ON ACTING AWARD FOR PULANG ARAW

Hindi naman maitago ni David ang excitement sa kanyang upcoming teleserye.

May goal nga raw siya.

“Excited ako doon,” saad niya.

“Ang goal ko doon, Best Actor. Sana, sana mabigyan ng recognition.”

Isang Japanese soldier ang karakter na ginagampanan ni David sa Pulang Araw.

Aminado itong mahirap lalo na’t panahon ito ng pananakop ng Japan sa bansa.

“Ang hirap ng role, but I think it’s a good background for me to showcase my skill as an actor.

“I think, this is the heaviest scenes I’ve done. Kaya super excited ako for this na nabigyan ako ng ganitong opportunity.

“Super nice role, remarkable. Kumbaga, pinagdaanan ito ng mga Filipino noon and for me to be an instrument na makita nila kung paano dati, and I think, kapag nakita nila ito, mas maa-appreciate nila kung ano ang meron tayo ngayon. Kung ano ang mas sinacrifice ng mga Filipino noon.”

Ang pagsasalita ng lengguwahe ng Japan ang isa sa challenges niya while portraying the role. Nag-aaral daw siya ng Nihonggo.

“Masaya naman at nae-excite talaga ako. Parang never akong na-excite sa isang teleserye. With Pulang Araw, parang nanggigigil ako every time. Na kailangan kong galingan.”