Deniece Cornejo, diretso sa kulungan matapos mahatulang guilty

Non-bailable o walang piyansa ang kasong serious illegal detention for ransom kaya hindi na nakauwi ng bahay si Deniece Cornejo matapos basahin ang hatol na guilty sa kanya at sa mga kapwa niya akusado.

Ngayong Huwebes, Mayo 2, 2024, reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang parusang ipinataw ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 kina Deniece, Cedric Lee, Ferdinand Guerrero, at Simeon Raz.

Kaugnay ito ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

Dinakip kaagad si Deniece para dalhin sa kulungan.

Base sa imprmasyong nakalap ng PEP.ph, sa Correctional Institution for Women, sa Mandaluyong City, dadalhin si Deniece.

Naranasan ni Deniece ang nangyari kay Vhong noong Setyembre 19, 2022, dahil din

Isa itong pagpapatunay na “bilog ang mundo” at may bahid ng katotohanan ang kasabihang “what goes around comes around.”

May kinalaman ito sa kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ni Deniece.

Hindi na pinayagan si Vhong na makauwi ng bahay nang araw na iyon dahil walang piyansa o non-bailable ang reklamo na inihain ni Cornejo.

Makalipas ang dalawang buwan na pagkakabilanggo sa NBI detention center sa Maynila, inilipat si Vhong sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, noong Nobyembre 21, 2022.

Pero noong Disyembre 6, 2022, pinayagan siya ng korteng magkaroon ng pansamantalang kalayaan, kapalit ang isang milyong piso na piyansa.

Natuwa ang pamilya, mga kaibigan, at ang mga tag-hanga na nagmamalasakit kay Vhong Navarro dahil makalipas ang napakatagal na sampung taon, nakamit niya ang pinakaaasam na hustisya.

Sa kabilang banda, may mga nasaktan at nalungkot sa sinapit ni Deniece dahil dumating ang isa sa mga pinakamatinding dagok sa kanya sa panahong nagbabagong-buhay na siya.

Hindi si Deniece ang unang personalidad na hindi na pinayagan ng korteng makauwi sa tahanan matapos basahan ng hatol.

Ganito rin ang nangyari sa aktor na si Dennis Roldan, na kidnapping for ransom din ang kaso na kinasangkutan, noong Hunyo 23, 2018.

Inakusahan si Roldan ng pagdukot sa isang batang lalaki noong 2005.

Napatunayan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 na “guilty beyond reasonable doubt” ang veteran actor.

Matapos ang pagbasa ng hatol sa kanya, dinakip siya at agad na dinala sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Gaya ni Roldan, “guilty beyond reasonable doubt” ang hatol ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 kay Deniece at sa mga kapwa nito akusado.