Dennis Padilla tries to reach out to daughter Julia Barretto anew on Instagram. PHOTO/S: ARNIEL SERATO / INSTAGRAM
Sabik na sabik si Dennis Padilla na muling makapiling ang anak na si Julia Barretto, base sa Instagram post ng komedyante kahapon, February 1, 2024.
Ni-reshare ni Dennis ang larawan ng anak kaugnay ng promo nito sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko na ipapalabas sa mga sinehan simula darating na February 7.
Si Julia ang bida sa pelikula kung saan katambal niya si Aga Muhlach.
Sabi ni Dennis sa caption, hindi na niya maalala kung kailan sila huling nagkita ni Julia.
Ipinagdarasal rin daw niya ang anak na marami pang biyaya ang matamo nito.
Buong caption ni Dennis, “Dearest Juy… Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita…Always praying for more blessings… Good luck sa new movie mo…”
Sa presscon ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 noong nakaraang January 26, 2024, tinakasan ni Dennis ang press na mangungumusta sana sa kanya.
Marahil, umiwas si Dennis na mapag-usapan ang tungkol kay Julia at sa mga kapatid nitong sina Claudia at Leon Barretto, na mga anak niya sa dating asawa na si Marjorie Barretto.
Huling nakitang magkasama sina Dennis at Julia noon pang December 2020 kung saan aksidente silang nagkita ng anak.
Nasundan ito sa vlog ni Julia noong May 1, 2021, kung saan nagkaroon ng pagkakataon si Dennis na sabihin sa anak ang biggest frustration niya noong sarado ang komunikasyon niya rito.
Si Dennis ang panauhin ng anak sa vlog, at dito ay naglabasan sila ng sama ng loob sa isa’t isa.
Mula noon ay wala nang nabalitaan ang publiko na bonding nilang mag-ama.
Sa vlog naman ng ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila na inilabas noong September 15, 2022, nagbigay ng paliwanag si Julia kung bakit hindi na uli sila nagkaroon ng komunikasyon ng ama.
Tanong ni Karen sa kanya: “Where are you now with your dad?”
Ayon kay Julia, tila paulit-ulit na lang ang pangyayaring nagkakaayos sila at nagkakaroon muli ng tampuhan.
“I’ll be very honest, we have not spoken, and it’s because there’s just so much fear inside me now, if I’m being very open.
“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.
“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.
“And, you know, I’ve just been praying also na, I don’t know, maybe in God’s time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”