Devon Seron not on speaking terms with ex-boyfriend Kiko Estrada; no ill will towards Heaven Peralejo

Napatawad na raw ni Devon Seron ang ex-boyfriend na si Kiko Estrada halos tatlong taon mula nang sila ay naghiwalay.

Kuwento ng aktres, “You have to forgive to move on. For me kasi, I’m not doing it for… I’m doing it for myself also.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang press si Devon sa presscon ng pelikulang After All na ginanap sa Eastwood Richmonde Hotel, sa Eastwood, Quezon City, Biyernes, February 16, 2024.

Isa sa dahilan ng hiwalayan, na haka-haka ng netizens noon, ay nagkasabay sina Devon at Heaven Peralejo sa buhay ng aktor.

Tingin ni Devon ay naahas siya?

“Hala, bakit ganun yung question?” paiwas na sabi ni Devon.

Dagdag niya, “I’m not gonna say anything. No comment about that.”

Giit ng press sa kanya, “Matagal na rin naman.

Diin uli ni Devon, “Hindi. Sabi ko nga po, hindi tayo gagawa kung anuman ang makakapag-sad sa ibang tao, makapagpasakit ng ibang tao.”

Naka-move on na raw si Devon ngayon.

“Yes, of course, oo naman po. Kasi ano, it’s part of life,” pagkumpirma ni Devon.

“And of course, para magawa ko naman yung mga gagawin ko sa buhay, di ba?

“Yung mga goals mo. Yung gusto mong i-achieve.

“And of course, so I can take care of my family, di ba?

“Sanay naman ako. Sanay naman akong maging single.

“Mas matagal pa ata akong single kaysa in a relationship. So, I’m a strong, independent woman.”

Nagkita na ba sila ni Kiko?

Sagot uli ni Devon, “Nagkaroon naman, ilang beses na din.”

Pero hindi daw talaga sila on speaking terms.

Sagot niya, “No. We’re not speaking, but I wish him well.

“Yung inisip ko lang kasi yung mga blessings na ibinibigay ni Lord, may mga taong nagtitiwala sa akin, so okay na po ako dun.”

After All movie presscon

PHOTO/S: ARNIEL SERATO

ON HEAVEN PERALEJO

Diretsahan ding hiningan ng pahayag si Devon tungkol sa pagkakasangkot ni Heaven sa hiwalayan nila ni Kiko noon.

May 30, 2021, naging opisyal ang relasyon nina Kiko at Heaven.

Pero naghiwalay din ang mga ito matapos nilang magdiwang ng ikatlong monthsary noong August 30, 2021.

Naisip ba niyang nakarma sina Kiko at Heaven dahil tatlong buwan pa lang ang relasyon nila ay naghiwalay na sila?

Tumanggi si Devon.

Paliwanag niya, “E, bakit naman po? I don’t wish ill sa ibang tao.

“Even mag-isip man lang ng ganun. And of course, sobrang natatakot din ako sa karma, e.

“So, I have to really deal with myself lang about it.

“Yung relationships, they come and go. And of course, yung totoong pag-ibig naman kung para sa atin, ibibigay talaga ng God sa atin.”

Tumawa lang naman ito nang usisain kung napatawad na niya si Heaven.

Ang After All ay mula sa ALV Films at pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez, kasama sina Devon, Teejay Marquez, Tart Carlos Galano, Kiko Ipapo, at iba pa, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Kelvin Miranda and Beauty Gonzalez After All presscon

PHOTO/S: ARNIEL SERATO

Ipapalabas na ito sa mga sinehan simula February 28, 2024.