Dianne Medina on brother-in-law Rayver Cruz and Julie Anne San Jose: “Magkakatuluyan sila.”

Malaki ang paniniwala ni Dianne Medina na may posibilidad na magkatuluyan ang brother-in-law niyang si Rayver Cruz at ang current girlfriend nitong si Julie Anne San Jose.

Ito ay base sa kanyang obserbasyon sa patuloy na gumagandang relasyon ng dalawa, at sa maayos ding relasyon ng mga ito sa kani-kanilang pamilya.

Pahayag ng 37-year-old actress-enterprenuer, “I love Julie. Sobrang love ko si Julie Anne, at sobrang ang personality nila ni Rayver.

“I’m very happy for them, and super-happy rin ang Cruz family sa kanila…

“Wala [pang] plans, pero ako, sa sarili ko, kung titingnan ko, I confidently I can say, yes, magkakatuluyan sila.

“Pero hindi ko alam kung kailan since may separate works pa sila at careers, so hindi ako sure kung ano plans nila.

dianne medina juliever

“But definitely, if you’re gonna ask me, both sina Rodjun and the family, super yes. Love na love nila si Julie, as in.”

Kuwento pa ni Dianne, “Pag pumupunta yan sa house, ang bonding nila sa Cruz family… gumagawa sila ng covers, kumakanta sila.

“Recently, nag-trend yung cover nila nina Rodjun and Rayver.

“At saka, pansin niyo, na-bring out talaga ni Julie Anne yung mga hidden talent ni Rayver.

“Nagigitara na ngayon, nagpa-piano, kumakanta na rin talaga.”

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Dianne sa contract signing at media conference ng Nail Lounge by Asia’s Lashes, na pinangunahan ng CEO at President nito na si Ms. Leah Urbani, sa Luxent Hotel, kahapon, November 7, 2023,

Si Dianne ay isa sa incorporators at celebrity ambassador ng nasabing negosyo.

DIANNE ON JULIE ANNE

Bakit boto si Dianne kay Julie Anne na makatuliyan ni Rayver?

“Kasi si Julie, ilang beses ko na ring naka-work. Magkapatid kami lagi si Maynila. Madaming beses ko na siyang naka-work maski sa outside events.

“So, hindi naman talaga mahirap na i-connect, at talaga namang mabait talaga siya.

“And by the way, ka-church ko na siya noong bata pa lang siya. Same church kami sa Our Lady of Annunciation Parish, sa Tandang Sora. Rector ako dun, nasa choir naman siya.

“Nagsi-serve na talaga si Julie sa church. Kumakanta kapag may events sa church. In full service din siya with the Lord.”

Rayver Cruz professes love to Julie Anne San Jose

Sa palagay niya, ano ang dahilan kaya hindi pa nasi-seal through marriage ang relasyon ng dalawa?

Saad ni Dianne, “Mga bata pa, e. Iba naman ang mga bata ngayaon, e, very career-oriented.

“Ako, kahit naman ako, ikinasal ako at the age of thirty-three. Si Julie, twenty-eight pa lang.

“Pinagpi-pray ko na sana laging maayos sila together, walang problema, smooth-sailing, walang stress.

“Ang sarap ng ganun, yung ganung relationship na walang stress.

“At saka, lalo akong kinikilig sa kanilang dalawa pag magkasama. Super sweet.”

Minsan naman daw aynaririnig niya si Rodjun na kinakantiyawan nito ang kanyang kapatid na si Rayver.

Aniya, “Kinakantiyawan niya na, ‘Oy, ikaw na ang next [na magpapakasal]!’

“Super-supportive [si Rodjun] sa kanya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya.

“As in best friends sila. As in super close.

“Pag matulog magkatabi, minsan naghu-holdings pa sila, kini-kiss niya ang kapatid niya. Malambing.

“At saka, naga-‘I love you’ pa yan.”

Si Dianne naman ay mukhang busy siya sa iba’t ibang ganap sa buhay niya ngayon.

Nakangiting sabi niya, “Ako po, I recently signed up with TikTok Shopee and Shopee Philippines to do live-selling.

“And I run other businesses like the Nail Lounge by Asia’s as one of their incorporators, and I’m with them with Ate Leah since 2013, but in a different company.

“And then, I also run my own TV production which we produce differents vlogs, views. Okay, so far.”