Nag-shoutout sa Facebook noong Enero 9, 2024 ang isang Fujiwara Masashi, na may mga kaibigan sa local showbiz.
Aniya, “Dingdong jessa !! You guys!! Please feel free to contact me and pay!! Aren’t you embarrassed?”
Tahasan nilang itinanggi ang paratang ni Fujiwara Masashi.
Anila, “It has come to our knowledge that some Facebook posts and tags were made on social media concerning our family. It is unfortunate that certain individuals are using the power of social media to spread inaccurate and false information against us.
“They hide behind the cloak of protection provided under ‘Freedom of Expression’ to cause injury and harm to our family. However, we would like to remind them that this freedom is not absolute and is subject to accountability.
“We categorically and specifically deny all these false, misleading, malicious, and baseless allegations made against us. We have not committed any offense that would undermine our integrity or tarnish the good reputation of our family name.
“Our family does not have any unpaid obligations due to anyone, nor did we commit any act to defraud any person. We have been working hard in the entertainment industry for the past decades to honestly provide for the needs of our family.
“We have referred this concern to our lawyers, and they are reviewing all the possible legal precautions available to us. We remain resolute and committed to protecting the legal rights of our family.”
Grabe ang mga tao, napaka-empowered dahil sa social media. Ang mga bagay na nararapat i-settle nang pribado, ayun shina-shoutout na sa social media for everyone to see and know. NKKLK!
I’m sure Dingdong and Jessa will address this and make whoever is accountable of this shameful act learn a lesson.
Na-bash si Ian Veneracion dahil sa nagkalat sa Facebook na kesyo PHP500K ang hininging talent fee nito para sa dalawang oras na parada.
Hello! Karapatan ng sinumang artista na magtakda ng presyo sa nag-i-inquire.
Pero iyong nag-inquire, walang karapatang ibunyag ang TF na sinabi sa kanya, lalo pa kung hindi niya afford iyon.
Ang isang kaibigan namin na kung tawagin ay Doña Señora, nag-pay ng PHP650K kay Ian para sa tatlong kanta nito sa birthday party niya kamakailan.
Sulit na sulit iyon! Worth it!
Tuwang-tuwa si Doña Señora dahil ambait-bait ni Ian.
Talagang napaka-accommodating ni Ian sa mga tita, kaya hindi niya dasurv na ma-bash dahil lang sa kabulastugan ng kung sinong nagma—as in nagmamarunong o nagmamaganda. Nagmamahadera, o nagmamaldita.
Facebook post ni Ogie Diaz bilang pagtatanggol pa kay Ian, “Nakakalokah yung hindi mo lang kinaya yung presyo ni Ian Veneracion na 500k for 2 hours na parada, ipo-post na sa facebook? Juice ko, ang simple lang ng argumento — kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin. Humanap ng iba.
“Kahit isang milyon pa ang ipresyo ni Ian, karapatan niya yon. Deal nila yon. Kung paanong karapatan din ng mga promoter or producer kung kukunin nila o hahanap ng iba.
“So paano kung ang presyo ng management ni Ian ay 200k lang, ano, ipo-post din nila na ‘Ambait-bait ni Ian. Pumayag siya sa 200k.’ Na hindi rin para i-post.
“Saka kayo mag-post kung me kontrata na, pero hindi sinipot nung tao. Juice ko, pag nangyari ‘yon, baka tulungan ko pa kayong i-bash si Ian!
“Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, ‘Wala po akong kinalaman diyan. Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko,’ tae este, talo na kayo.
“Pero thank you sa mga netizen na nakakaintindi ng trabaho ng mga totoong promoter na sumusunod sa strict confidentiality. Habang yung iba, piniling maging mangmang.”
Ni-repost din ni Ogie ang official statement nina Jessa at Dingdong kaugnay sa isyu na di nila tinurnover yung condo na diumano’y binili sa kanila.