Dingdong sa pagiging tatay: Akala ko patient akong tao, hindi pala!

Dingdong sa pagiging tatay: Akala ko patient akong tao, hindi pala!

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Sixto Dantes

NAPAKARAMING nagbago sa personal life at showbiz career ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes mula nang magkaroon siya ng sariling pamilya.

Mas lalo pa raw naging challenging at exciting ang kanyang buhay nang dumating sa buhay nila ng asawang si Marian Rivera ang dalawa nilang anak – sina Zia at Sixto Dantes.

“You think you know it all, but then you have many discoveries everyday. Not just about fatherhood but also about yourself.

“Akala mo, ‘Uy okay na to!’ Tapos biglang hindi pala. Tapos may bigla pang ituturo sa ‘yo ‘yung mga anak mo,” ang pahayag ni Dingdong sa panayam ng GMA News.

Na-realize rin ng award-winning TV host-actor na hindi rin pala ganu’n kahaba ang kanyang pasensiya tulad ng iniisip niya nang maging tatay na siya.


“Akala ko patient akong tao, hindi pala. Pagdating siyempre sa discipline, minsan kasi mayroon kang set ng standards na gusto.

“Pero hindi pala siya applicable sa lahat. Mga ganu’ng bagay,” sey pa ni Dong sa naturang panayam.

Tungkol naman sa naging buhay niya mula nang magkaroon ng sariling pamilya at maging ama, “Nagbago siya,  sa oras ng pagtulog, paggising, nagbago yung sounds ko sa bahay. Nagbago yung aking film list. Wala na talaga, as in. Pagbukas ko ng TV, lahat pambata.”

Patuloy pa niya, “Nagbago rin ang pananaw ko sa trabaho dahil ngayon, ‘di ko lang siya ginagawa dahil gusto kong ma-fulfill ‘yung artistic needs.

“Ginagawa ko ‘to for my family. Kasama ko sila sa kahit anong ginagawa kong proyekto,” chika pa ng aktor at TV host.

Nauna rito, nabanggit din ng Kapuso Primetime King na kailangan gawing araw-araw ang Mother’s Day para sa lahat ng babae sa kanyang buhay.

Aniya, hindi lang tuwing Araw ng Mga Ina dapat isine-celebrate at pinararangalan ang pinakamamahal nating mga nanay.

Sey ni Dingdong, abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang inang si Angeline Gonzalez Dantes, dahil sa lahat ng values at life lessons na itinuro nito sa kanya na baon-baon ng aktor hanggang ngayon.

Ang kanyang nanay din daw ang nagturo sa kanya ng kahulugan ng “empathy” o pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa mga kababaihan.

Sabi ni Dong, nakita rin niya sa kanyang wifey na si Marian ang katangiang ito na itinuro ng ina kaya naman mas lalo siyang na-in love rito.


“Malaking factor ‘yung pag-unawa ko kung ano ang ibig sabihin ng empathy dahil sa aking ina, dahil ‘yun ang nakita ko talaga sa kanya while growing up. ‘Yun ang ipinaramdam at ipinaranas niya sa akin,” pahayag ni Dingdong sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Aniya pa, “‘Yun din ang nakita ko kay Marian noong siya naman ay naging ina. Mas na-validate talaga ‘yung ginagawa ng nanay ko sa akin.

“Mas nagkaroon ako ng deeper respect, admiration and understanding of how mothers really do it, dahil nakita ko firsthand kay Marian,” saad pa ni Dong.

And because of this, mas na-appreciate pa ni Dingdong ang kanyang ina at si Marian bilang mga mapagmahal at super hands-on nanay.

“Kaya ang role ko is to really appreciate them every day, to celebrate them every day.

“I want to celebrate my wife, my mom, my wife as a mother every day. Make sure that I’m there to support her, provide for her and just appreciate her every day,” pahayag pa ng host ng “Family Feud” at “Amazing Earth.”