Director Cathy Garcia-Sampana reveals what she told KathNiel after breakup

Inamin ng box-office director na si Cathy Garcia-Sampana na nalungkot siya sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“I think walang hindi malulungkot,” bungad ni Direk Cathy sa tanong ng isang entertainment editor.

Walang kinikilingan ang direktor sa dalawa.

Aniya, “But I love them both. Ako, yun lang tinext ko sa kanilang dalawa. I texted both of them. I said, I love you. It should end there.”

Direk Cathy Garcia-Sampana on KathNiel

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung naaapektuhan ba siya dahil hindi kailang malapit siya sa reel-and-real-life sweethearts.

“Malalaki na sila. Kaya na nila yan,” nakangiting sabi ni Direk Cathy.

Alam daw ng direktor ang boundaries niya pagdating sa personal na buhay ng dalawa.

“Ako, nandito lang when they need me. When they need me, they will come to me.

“Otherwise, I don’t ask. I don’t meddle. Malalaki na sila.”

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo - The hottest couple in the Philippines "go their separate ways" after 11 years | Showbiz 24h | Entertainment - VGT

DIREK CATHY’S PROJECTS WITH KATHNIEL

Nasubaybayan ni Direk Cathy ang pag-mature nina Daniel at Kathryn pagdating sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula.

Naalala pa niya na taong 2012 nang unang makatrabaho niya ang tambalang KathNiel sa Kapamilya hit prime-time series na Got To Believe.

Ang mga sumunod na seryeng pinagsamahan nila ay ang Pangako Sa ‘Yo remake (2015-2016) at La Luna Sangre (2017-2018).

5 of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's best on-screen moments: the Filipino ex celeb couple starred in multimillion-dollar grossing The Hows of Us and No 1 Netflix series The House Arrest of

Patok sa takilya ang mga pelikula ni Direk Cathy na pinagbidahan ng KathNiel: She’s Dating The Gangster (2014) at The Hows of Us (2018).

Si Direk Cathy rin ang may likha ng mga pelikulang unang nagsolo si Kathryn: Three Words To Forever (2018) at Hello, Love, Goodbye (2019), na nananatiling record-holder bilang highest-grossing film sa bansa.