Does Andrea Brillantes still believe in love?

Does Andrea Brillantes still believe in love?

Muling ipinagdiinan ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na walang problema sa kanya na single siya ngayon.

Sa panayam ng aktres sa Tao Po noong May 19, 2024, sinabi nitong mas priority niya ngayon ang kanyang sarili at career.

“Honestly, l’m fine alone. [Kahit] mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat,” sambit niya.

Gayunpaman, hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na makahanap muli ng iibigin.

Naniniwala kasi si Andrea na walang takas ang isang tao kapag ito ay tinamaan ng pag-ibig at na-in love.

Aniya, “Kasi ang love, ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina.”

ANDREA’S REALIZATION ABOUT LOVE

Malaking bagay kay Andrea ang kanyang pamilya, kunsaan niya natutunan ang maraming bagay tungkol sa pag-ibig.

Pagtatapat ng aktres, pitong taon pa lamang siya nang mamulat sa tunay na realidad ng pag-ibig.

Dito rin daw niya napagtantong hindi lahat ng love story ay may happy ending.

Pagbabahagi niya: “Sa pag-separate ng parents ko, klarong-klaro sa akin at the very young age, na mas ikakabuti ng buhay ko at buhay naming lahat kung hindi na sila together.

“Mahirap siya, oo.

“When I was seven pa lang, hindi ko magets kung bakit nag-i-stay pa sila sa isa’t isa kung ganyan.

“Pero noong na-in love na ako, [na-realize ko na] ang hirap pala.”

andrea brillantes addresses bashers
PHOTO/S: @BLYTHE ON INSTAGRAM

ANDREA’S PAST RELATIONSHIP WITH RICCI RIVERO

Ang PBA player na si Ricci Rivero ang huling naging kasintahan ni Andrea.

April 9, 2022, nang maging opisyal silang magkasinthan hanggang sa magkahiwalay sila noong June 2023.

Naging kontrobersiyal ang breakup ng dalawa nang madawit ang pangalan ni Los Baños Laguna councilor Leren Mae Bautista, na siyang itinurong third party sa relasyon nina Ricci at Andrea.

Mabilis pinabulaanan ni Leren na siya ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.

Ngunit noong October 21, 2023, tuluyan nang isinapubliko ni Ricci na kasintahan na niya si Leren.

Ngunit paglilinaw niya noon, wala na sila ni Andrea nang maging sila ng dating beauty queen.

ANDREA’S INVOLVEMENT IN KATHRYN BERNARDO-DANIEL PADILLA BREAKUP

Matapos mahiwalay kay Ricci, nadawit naman ang pangalan ni Andrea sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na isinapubliko noong November 30, 2023.

Si Andrea ang itinuturong third party sa breakup ng KathNiel.

Personal pa umanong nakipagkita si Andrea kay Kathryn upang ibunyag ang kanilang naging ugnayan ni Daniel.

Dahil dito, kaliwa’t kanang pambabatikos ang inabot ni Andrea mula sa mga tagahanga nina Kathryn at Daniel, dahilan para ituring siya bilang isa sa pinakakontrobersiyal na personalidad noong 2023.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News noong January 19, 2024, naikuwento ni Andrea kung paano siya nakabangon mula sa pagkakalugmok dahil sa isyu.

Hindi raw naging madali sa kanyang harapin ang mga pagsubok na dinaanan niya. Ngunit sa tulong daw ng Diyos ay unti-unti siyang nakakabangon.

Aniya, “To be honest po, talagang puro lang po ako nagtse-church.

“I was just strengthening my relationship with God and naniniwala lang po ako sa kanya, and yun lang po.

“When you seek God, you find peace. I found naman, I wasn’t really at peace, I had peace through Him.”

Bukod sa kanyang matibay na pananampalataya sa Diyos, naging sandalan din daw ni Andrea ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Saad niya, “My family, solid naman po kami, and my friends. Patuloy lang po, doing good lang and trabaho lang nang trabaho.

“It wasn’t easy, but it wasn’t really hard kasi buo naman po kasi yung faith ko.

“So, hindi ko siya sasabihing mahirap, hindi ko rin naman sasabihing madali siya.

“May moments [na mahirap], pero at the end of the day, babalik pa rin ako sa ‘Why I am here?’

“Babalik ako sa family ko, babalik ako sa mga pangarap ko in life, at babalik ako sa Kanya.”

ANDREA KEEPS HER SANITY BY DETACHING HERSELF FROM SOCIAL MEDIA

Sa halip na magpadala at magmukmok, prinayoridad daw ni Andrea ang kanyang mararamdaman kaya naman naging maingat at mailap siya sa social media para hindi na mabasa pa ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Saad niya: “Hindi kasi ako nagpapakain sa socmed. I’m very grounded naman sa real world.

“I know it’s easier said than done, pero sa social media kasi, you can easily just turn off your phone and just read a book, meet your friends.

“Like, being connected with nature, doing something sa house, meeting and talking to friends hindi lang through calls.

“There are so many ways para makita kung gaano kaganda yung mundo na binigay sa atin, mundong ginawang ito. I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate yung life itself.”

Dagdag pa niya, “That life is so much more than social media and phonebooks and comments, people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo. Kailangan lang hindi ka into it masyado.

“Alam ko masakit siya, and it’s easier said than done, pero kailangan mo lang talaga na huwag magpaapekto and appreciate mo ang life mo.”