Dominic Roque, pinusuan ang Instagram post ni Bea Alonzo

Kabilang si Dominic Roque sa nag-like sa post ni Bea Alonzo. Ang pag-like ni Dominic sa Instagram post ni Bea ay nagdulot ng spekulasyon sa online world.

Sa isang Instagram post ay pinasilip ni Bea ang kanyang mga pictures nitong nagdaang buwan.

Sa kabila ng pagiging mga dating magkasintahan, ang pag-like ni Dominic sa post ni Bea ay agad nagpapakita ng pagiging maayos at respeto sa kanilang nakaraan.

Gayunpaman, hindi maiiwasan na magdulot ito ng mga espikulasyon sa publiko, lalo na’t ang kanilang relasyon ay patuloy na nasa sentro ng interes ng mga tagahanga nila.

Matatandaang sa pamamagitan ng isang post ay isinapubliko nila ang tungkol sa paghihiwalay nila. Marami sa kanilang tagahanga ang nalungkot lalo at engaged na sana ang magkasintahan.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-“drunk dial” sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may ‘something’ daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.