Elizabeth Oropesa frankly reveals what she regrets not doing when she was young

elizabeth oropesa fast talk

Hindi napanood sa umereng guesting ni Elizabeth Oropesa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes ng hapon, Marso 26, 2024, ang kanyang kontrobersiyal na sagot nang itanong ni Boy Abunda ang kahalagahan ng lalaki sa konsepto ng kaligayahan.

Panghapong programa ang Fast Talk With Boy Abunda kaya hindi natunghayan ng manonood ang prangkang sagot ni Elizabeth.

Diretsahang sabi ng beteranang aktres, “Ay, naku, kapag may nagtatanong sa akin kung anong pinagsisisihan ko nung bata ako, sabi ko, ‘I should have had more sex.’

“Talaga! Totoo ‘yon!”

Paliwanag pa ni Elizabeth, “Kasi nung bata ka, I mean, you can do it as often as you like, anywhere! Anytime.

“Kapag matanda ka na, sayang! Dapat ginawa ko yan noon.

“I’m just being honest, pero ngayon, wala. Sarado na. Nag-close na po, sorry!”

Sundot na tanong ni Boy, “And when you look back, meron bang mga nanligaw, nagparamdam na hindi mo pinansin at sinabi mo, ‘Sayang yun ah!”

Sagot ng aktres, “Kung alam mo lang…. pero isa lang ang masasabi ko.

“Kahit kailan, hindi ako pumatol sa may asawa. Maski gaano ko kagusto kasi masama yon.”

Hindi nagbanggit ng pangalan si Elizabeth tungkol sa kanyang greatest love dahil, diumano, marami sila.

BEST KISSER AMONG HER LEADING MEN

Sa pagkakaalam ni Elizabeth, mahigit sa 300 na ang bilang ng mga pelikulang ginawa niya buhat nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career noong 1970.

Sa dami ng mga aktor na nakapareha ni Elizabeth, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. (August 20, 1939 – December 14, 2004) ang sinabi niyang pinakamagaling humalik.

“Si Kuya Ronnie. Revelation yan.

“Ngayon ko lang nasabi kasi patay na si Ate Susan, nahihiya naman ako. Baka mapagdudahan,” paliwanag ni Elizabeth.