May-December affair ang kuwento ng pelikulang X & Y.
Ang empowered woman na si Ysha (Ina Raymundo), kinuha ang serbisyo ng baguhang callboy na si Xander (Will Ashley).
Kasama sa X & Y si Elizabeth Oropesa bilang ina ni Ysha.
Sa totoong buhay, naging boyfriend ni La Oropesa ang mas bata sa kanya na si Danny Ramos nang magkasama sila pelikulang Mister Mo, Lover Ko (1999).
“I had two relationships na bata sa akin,” sambit ni La Oropesa sa mediacon ng X & Y nitong Abril 13, 2024, Sabado, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.
Matagal nang nangyari ang mga iyon at hindi na raw maalala ni La Oropesa kung ilang taon ang tanda niya sa naturang ex-boyfriends niya.
HOW YOUNG IS YOUNG?
Pagpapatuloy ng natatawang si La Oropesa, “But I will never go with somebody who looks like my son, of course. Importante sa akin yung hitsura pa rin.
“When I was with these young men, palaging hindi pangit tingnan. Kasi, ayaw kong tutuksuhin, ‘Ay! Para mo nang anak yan!’
“Ayaw ko naman nun, di ba? At saka ano… maraming bata na seryoso talaga. Gusto nila ng may edad.
“Kasi mas marami siyempreng alam sa mga bagay-bagay ba. At saka as long as normally, physically attractive pa rin yung mga mature women.
“Hindi naman yung ano, hindi naman yung ano na…”
Singit ni Ina, “Lalo ka na, Miss Oro. Di ba, hot na hot ka pa?”
Napatili si Elizabeth, “Ay! Susmaryosep! Anyway kung inabot mo yung panahon ko, ayan… Ha! Ha! Ha! Ha!
“But it’s nice because you feel young. Ang tawag ko dun dati, e, inspirational ang may karelasyon na mas bata… because you act young as well.
“Ang problema ko lang diyan, ayan ikinukuwento ko na sa inyo, noon ang naging problema ko, hindi ako sanay na nakikita ng mga taong ka-holding hands…”
Singit uli ni Ina, “PDA!”
Napailing at napatili muli si La Oropesa, “Hindi talaga! Hindi ko talaga keri. At yun ang isa sa mga reason kung bakit ako lagi nahihiwalay.
“Dahil akala nila, ikinakahiya ko sila. Hindi naman. Mahiyain lang ako sa mga bagay na ganun.” Ang ibig sabihin ng PDA ay “public display of affection.”
SUGAR MOMMY?
Naging sugar mommy ba siya ni Danny, at ng isa pang mas batang lalaki na ex-boyfriend niya?
“Ay, naku, si Danny, mas maraming pera yan sa akin!” bulalas ni La Oropesa. “Nag-Japan yan, may sarili pang negosyo yan. Pagtsismisan ba si Danny?! Ha! Ha! Ha!
“Tapos yung isa naman, may-ari ng mga sinehan sa Leyte. And we got married sa Samar.
“They belong to a very good family and when we were together, if you google it, kasi may mga wedding photos kami, you know he doesn’t look young at all.
“He’s tall, masculine, and physically yummy.”
Sundot ni Ina, “Anong name? Puwedeng malaman ang name? Nang ma-stalk.”
Sabi ni La Oropesa, “Ay! Naku! Baka may asawa na ngayon… at saka hindi kasi aktor. Si Danny kasi, naging aktor, so I can really talk about him and mention his name.
“But yung isa, huwag na yung name, wawa naman.”
Sa ngayon ba, puwede pang umibig si La Oropesa sa isang much younger na lalaki?
“Naku, sarado na ang tindahan, anak!” mabilis na tugon ng multi-awarded actress na malapit nang maging septuagenarian.
“Hindi ko na alam kung nasaan ang susi. Wala yon! Hindi na keri.”
LESSONS LEARNED
Ano ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon sa dalawang lalaking much younger sa kanya?
Napabuntong-hininga si La Oropesa, “Both of them really cried when I left them. I outgrew them, e.
“Hindi sila makasabay sa growth ko. E, kesa naman umasa nang umasa pa at kawawa na pag nanonood kami ng movies, e, hindi ako sweet, di ano… yun yung part na yun.
“Eventually, if you’re a woman like me, you will outgrow somebody who’s so much younger than you. Yun ang problema dun.
“It’s not the physical part because women are… I mean, you know, when it comes to that, we never had a problem with erection.
“So, wala kaming problema diyan. Ang physical part, wala.
“Yung outgrowing… yung for a while, magkasama kayo dun sa level na ito, nagkakaintindihan kayo.
“But even if you talk about NatGeo o kaya yung mga… wala na. Yon, so yon.”
OLDER MEN VS YOUNGER MEN
Ano ang kaibahan ng pakikipagrelasyon sa mas bata at sa mas matanda?
Natigilan sandali si La Oropesa bago sumagot, “Amoy-lupa pag mas matanda. Pag bata, mabango siyempre, usually madaling pabanguhin.
“But… sometimes, believe it or not, yung mga may edad na, mas pa-baby kesa dun sa bata pa.
“The younger guys would normally try to compensate by acting like they’re ano, o ano na, mature na, ikaw na ang beybihin. Yun ang difference.
“Yung mga may edad na, yun ang pa-baby, yun ang sakit sa ulo. Kaya sometimes it’s nice to have an affair.
“Affair lang! Ha! Ha! Ha! Sa younger men. If you’re free. Siyempre, if you’re free, ‘no! Na wala kang sabit.
“Nothing wrong with that, especially at this day and age. So yun, amoy-lupa saka mabango. Saka pa-baby, saka pa-mature. Baliktad, ano?”
Ang X & Y ay idinirek ni Adolf Alix Jr., mula sa screenplay ni Gina Marissa Tagasa. Prinodyus ito ng G Channel PH.
Nasa cast din nito sina Bembol Roco, Divine Tetay, Bugoy Cariño, Kirst Viray, Ron Angeles, Thor Gomez, Glenda Garcia, at Rico Barrera.
Sa Abril 17, Miyerkules, na ang showing ng X & Y sa mga sinehan