Enrique Gil pens sweet birthday greeting for ex-girlfriend Liza Soberano

Ginulat ng aktor na si Enrique Gil ang kanyang mga tagahanga nang mag-post ito ng mensahe para sa kaarawan ng ex-girlfriend niyang si Liza Soberano.

Sa kabila ito ng matagal niyang pananahimik sa social media, matapos lumabas ang balitang matagal na pala silang hiwalay ni Liza.

Ngayong Huwebes, January 4, 2024, ay nagdiriwang ng ika-26 kaarawan si Liza.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinost ni Enrique ang litrato nilang magkasama at naka-pouty lips sila ni Liza kalakip ang pagbati’t mensahe niya para sa dalaga.

Ayon sa aktor, anu’t ano man ang mangyari ay mananatili siyang nasa likod at kasangga ni Liza.

Mensahe ni Enrique (published as is), “Happy Birthday our dear hopie!!! I’ll always have your back no matter what. Wish i was there to celebrate your special day [white heart emoji].”

PHOTO: Enrique Gil Instagram

Matagal nang napapabalitang tinapos na ng LizQuen ang mahigit limang taon nilang relasyon, pero walang inaamin sa publiko ang magkabilang-panig.

Itinanggi pa ni Enrique sa TV Patrol noong April 2023 ang tungkol sa kumakalat na espekulasyon sa kanila ni Liza.

“We’re good, we’re good,” sagot niya nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ng aktres.

Dagdag pa ni Enrique, “She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.

“Because Hope [palayaw ni Liza] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death.”

Enrique Gil on relationship with Liza Soberano: 'We're good' | PUSH.COM.PH

Tila sinakyan din ni Liza ang pahayag ni Enrique dahil sa isang interbyu noon, hindi rin niya inaming hiwalay na sila.

Sinabi ni Liza na magkaayos at nagkikita pa rin sila ni Enrique.

Aniya, “Every once in a while. Occasionally mostly because we’re both, like, constantly flying.

“I’ve been in the [United] States for a while and then I came back, and he’s been flying. So it’s very seldom now. But we do [meet], we still do.”

Hanggang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 1, 2023, na sa isang unreleased interview ni Liza ay inamin niyang wala na sila ni Enrique noon pang October 2022.

Nakiusap si Liza na huwag ilabas ang panayam sa kanya kaya hindi ito napanood ng publiko.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa rin isinasapubliko ng LizQuen ang tunay na estado ng kanilang relasyon.